Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Diana inamin ang nakaraan nila ni Wendell

Diana inamin ang nakaraan nila ni Wendell

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

Damit galing sa ini-endorse na Kisses & Co. ang karamihan sa isinusuot ni Ruffa Gutierrez sa

The Buzz, I Love Betty La Fea, pati na sa Desperadas 2.

Two years na siyang celebrity endorser nito at hahaba pa ang partnership nila sa in-announce ni Josie Gana, proprietor, na mag-i-expand sila dahil lumakas ang sales nila mula nang i-endorse ni Ruffa.

Next year, magkakaroon ng Ruffa Gutierrez line for Kisses & Co. at ang actress mismo ang magdi-design ng mga damit.

Maraming plano ang actress for Kisses and Co. at mananatili siya rito kahit marami ang nag-o-offer sa kanya't mababait ang may-ari.

Sa January, may big launching sa SM North Edsa, may fashion show with Ruffa as the finale model.

By endoring Kisses & Co. , gustong iparating ni Ruffa na magaganda rin ang gawang 'Pinas at gustong ipakitang hindi na siya sosyal at 'di na gumagasta nang limpak-limpak para sa damit na isang suotuan lang.

Style icon niya sina sina Princess Diana, Coco Channel at Madonna.

Ibinalita ni Ruffa na inaayos na nila ni Yilmaz Bektas ang kanilang annulment, hindi pa sila nagpa-file, pero nag-consult na sila ng kanilang respective lawyers.

Kapag na-annul ang kasal nila ni Yilmaz, puwede na sigurong ipadala ni Yilmaz ang naiwan niyang branded dresses sa Turkey.

Ang laman ng 10 boxes na ipinadala sa kanya'y puro pambuntis at 'di niya magagamit.

Plano rin ni Ruffa na mag-voice lesson para matuto siyang kumanta't sayang ang maraming offers for her to sing.

Tapos na rin siya ng Fashion Merchandising and Product Development sa SOFA o School of Fashion & the Arts.

* * *

Nagustuhan ng press ang kaprangkahan ni Diana Zubiri sa pagsagot sa kanilang mga tanong sa presscon ng One Night Only, kaya kahit siya ang pinakahuling dumating sa cast dahil galing sa isang commitment, sa kanya mas natuwa ang mga reporter.

Pa-cute ang mga sagot ng buong cast (male at female) sa tanong kung sino ang pantasya nilang maka-one-night stand?

May sumagot ng Tina Paner at may sumagot ng Empoy at ang iba'y walang maisip. Mabuti pa si Ogie Diaz at si Leonardo DiCaprio ang isinagot.

Si Diana, diretso ang sagot na si Wendell Ramos, dahil hindi nagtagal ang relasyon nila at kahit sa pantasya man lang ay matuloy.

Itsinika nitong hindi nagtagal ang kanilang relasyon at kasalanan 'yon ng actor. Tanggap niyang may anak ito at inaming nahalikan siya nito.

Inamin din ni Diana na boyfriend niya ang kahalikang lalaki sa series of photos na inilabas ng isang tabloid.

Hindi siya nagalit dahil galing sa account niya ang mga litrato at naintindihan niyang trabaho 'yon ng press. Mas concerned siyang mataba siya sa mga litrato.

Sabi ni Diana: "One year na kami ng BF ko at ipinakilala na niya ako sa parents niya, noong una pa lang. Businessman siya, he'll be 34 years old at 23 naman ako. Mas gusto kong mature ang lalaki sa akin. Very understanding siya, mabait at 'di nakikialam sa trabaho ko. "

* * *

Ipinauna na ni Nova Villa na sa karosa ng Dayo sa Mundo ng Elementalia siya sasakay sa parade of Stars sa December 24 at sana raw ay maintindihan siya ni Mother Lily Monteverde.

Maraming artista ang Desperadas 2, kung saan kasama rin siya, at ang Dayo ay kokonti ang artista.

Very proud si Nova sa first full-length Filipino animation na entry ng Cutting Edge sa Metro Manila Film Festival at honored siyang makasama rito.

Umiyak daw siya habang nagda-dubbing dahil hindi akalaing kaya ng mga Pinoy na gumawa ng ganito kagandang pelikula.

Boses ni Nova ang ginamit sa role ni Lola Nita, ang lola ni Buboy (Nash Aguas). Featured din sa pelikula ang boses nina Peque Gallaga (Lolo Nano), Noel Trinidad (Lolo Meong), Johnny Delgado (Carpio), Michael V (Narsi), Laurice Guillen (kapre at diwatang bruha) at Katrina Legaspi (Anna).

Out na rin ang OST o original soundtrack ng Dayo under Sony BMG at kasama ang theme song na Lipad ni Lea Salonga, Kapit ng Momoy Palaboy na maganda ang music video, Daybreak ng Juan Lunar, Elementalia Dayo ni Joey Ayala at marami pang iba.

Source: People's Tonight