Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dianne Medina admits Banana Split format makes her nervous

Dianne Medina admits Banana Split format makes her nervous

Author: Bernie Franco

Inamin ni Dianne Medina na sa format ng kanilang show na Banana Split ay kinakabahan din siya dahil baka maka-offend sila ng mga artista in the future, gaya ng nangyari kay Rafael Rosell.
"Natatakot din po pero at the same time, sana para sa akin medyo bawasan naman 'yung mga practical jokes baka si wala nang mag-guest," biro pa nito. Pero idinagdag niya na bukod dun sa pagkapikon ni Rafael ay wala namang ibang nangyaring ganoong insidente. "Masaya naman, eh," pagtatanggol nito sa kanilang gag show.

Sa isang nakalipas na episode ay napikon kasi si Rafael. Ang naging takbo kasi ng eksena ay itatali ang aktor sa silya at hahalikan siya ng gay actors. Subalit sa halip na sa pisngi ay sa labi lumapat ang mga halik, na siyang kanyang ikinagalit. Gayunpaman, mabilis namang naayos ang gusot. Sinabi ni Dianne na noong nangyari ang eksena ay wala siya roon kung kaya't hindi niya alam ang buong detalye. Nang tanungin siya ng ABS-CBN.com kung ano ang gagawin niya sa isang sitwasyon kung saan gagawa siya ng eksena na posibleng maka-offend sa isang guest, sabi ni Dianne na willing naman siyang mag-react tungkol dito. "Ako, if makita kong sobrang nakaka-offend, siguro magsa-suggest ako na baguhin nang kaunti. Pero nonetheless, gagawin ko 'yung trabaho ko." Sinabi naman ng dalaga na hindi naman masyadong malaking problema ang sitwasyong ito dahil kadalasan naman ay ang apat na main cast ng Banana Split na sina Angelica Panganiban, Cristine Reyes, Roxanne Guinoo at Valerie Concepcion ang natotoka na mang-good time ng kanilang male hosts.

Samantala, sa lahat ng mga naging guest nila sa Banana Split pinakagusto ni Dianne si John Lloyd Cruz. "Kasi crush na crush ko si John Lloyd, ang guwapo niya at ang galing niyang umarte." Sa ngayon, bukod sa Banana Split ay nag-iisip si Dianne na simulan na ang kanyang Master's Degree in Film or Theater Arts at namimili na lamang siya kung saang eskuwelahan muling mag-aaral. Umaasa rin siyang matutuloy ang nilulutong hosting job mula sa isang TV network.

Source: ABS-CBN Interactive