Sep 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Diet at Kristine, nahuling naghahalikan!

Nakatanggap kami ng forwarded e-mail na originally ay galing from a certain KC Tan (kassie_tan@yahoo. com) at nagsasabing nakita niya sina Diether Ocampo at Kristine Hermosa na naghahalikan sa isang class na restaurant sa The Fort. Heto ang nilalaman ...

 

Diet at Kristine, nahuling naghahalikan!

Author: Vinia Vivar

Nakatanggap kami ng forwarded e-mail na originally ay galing from a certain KC Tan (kassie_tan@yahoo. com) at nagsasabing nakita niya sina Diether Ocampo at Kristine Hermosa na naghahalikan sa isang class na restaurant sa The Fort.

Heto ang nilalaman ng letter: "Hi. I thought Tin and Diet already broke up, how come we saw them at the Prince of Jaipur at the Fort having dinner? It was just yeterday! Seems like news are not true and just a gimmick, we saw them kissing . .. hmmm, oh yeah! (ooops, are we watching a teleserye?).

"Seems like these two didn't care if people see them doing like one of their kissing scenes in a movie. (Mind you it was in the middle of Kristine's hot issue with Vic Sotto's son. I was with my friends and officemates . .. Stop the gimmick . .. I don't think they are over! hmmmp!"

Friday, Nov. 9, and date ng letter, kaya 'yung yesterday na sinasabi niya'y malamang na Thursday, Nov. 8.

Nang gabing iyon, may big event nga sa The Fort dahil doon ginanap ang birthday party ni Deo Endrinal ng ABS-CBN at ayon sa aming source, dumating nga nang magkahiwalay sina Diet at Tin.

We just don't know kung nakarating si Oyo Sotto, pero hindi raw ito kasama ni Kristine that night.

Kung totoo ang sinasabi ng e-mail sender, we'd like to think na nagkabalikan ang dalawa at hindi naman siguro sila gumigimik.

Kaya lang, paano na si Oyo?

* * *

Balik-'Pinas na ang reel and real-life sweethearts na sina Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos mula sa shooting ng Sakal, Sakali, Saklolo sa Barcelona, Spain.

Ang nasabing movie ang filmfest entry ng Star Cinema sa December at honeymoon scene nina Ryan at Juday ang kinunan sa Barcelona.

Na-in-love si Ryan sa Barcelona at nanghihinayang na hindi nila ito na-explore nang husto dahil ilang araw lang sila ru'n at puro shooting pa ang ginawa.

Sa kanilang pagdating, may ispekulasyon na namang baka nagpakasal sila roon, pero say ng manager ni Juday na si Alfie Lorenzo, na kasama rin sa Barcelona, paano mangyayari 'yun, gayung napakarami nilang kasama, including Juday's mom, Mommy Carol?

Wala raw problema kung sakaling nagpakasal na nga sila, dahil botong-boto naman lahat sa pagmamahalan ng dalawa. Kaso, wala pa talagang plano at dinig nga raw ni Alfie, 2009 pa ang balak ng mag-sweetheart na lumagay sa tahimik.

Actually, ang mas nag-enjoy ay sina Mommy Carol. Sina Juday at Ryan, ni hindi nga raw nakapag-shopping.

Gustung-gusto sanang malibot nina Juday at Ryan ang buong Europa, kaso, walang oras at kailangan nang bumalik sa bansa para tapusin ang pelikula.

* * *

Nagdadalamhati ang Sex Bomb member na si Rochelle Pangilinan at ang kanyang pamilya sa pagyao ng kanyang amang si Mr. Rodolfo Pangilinan kahapon ng umaga sa Lung Center.

Ang ama ni Rochelle ay may dalawang buwan nang naka-confine sa nasabing pagamutan dahil sa sakit na emphysema at dito nauwi ang halos lahat ng savings ng SB member.

Kasalukuyang nakaburol ang labi ni Mr. Pangilinan sa Floresco Funeral Homes sa Gen. Luna St. , Concepcion, Malabon.

Samantala, kahit nagluluksa, the show must go on pa rin para kay Rochelle dahil nag-report pa rin siya sa taping kahapon ng "Ulingling" na bagong episode ng "Daisy Siete".

Ayaw daw kasi ni Rochelle na ma-pack-up ang taping dahil sa kanya lalo na't magsisimula nang iere sa Nov. 19 ang nasabing episode.

Mula sa Journal Group, nakikiramay kami sa pamilya ni Rochelle.

Source: People's Tonight