|
|
| Diet, excited sa paglabas ni GabyColumn: Hot 'n Spicy Muntik nang ma-trauma si Will Devaughn sa first presscon niya sa ABS-CBN last Thursday afternoon nang iharap sila nina Ruben Gonzaga, Riza Santos at Gaby dela Merced, known as The Big Four sa katatapos lamang na PInoy Big Brother Celebrity Edition 2. Daig pa ang nasa hot seat ni Will habang kinukuwestiyon sa kumalat na isyu some months ago na may sex video sila ng Baywalk Bodies member na si Palmolive Palma. Bagama't agad na umamin noon ang sexy star na totoo nga ang sex video, hindi naman narinig ang panig ni Will dahil that time, nakapasok na siya sa loob ng Bahay ni Kuya. Pero ngayong nasa labas na siya, hindi talaga pinalampas ng press ang pagkakataong maklaro niya ito. Halatang uncomfortable si Will na pag-usapan ang issue. Halos ayaw niya itong sagutin at hanggang sa matapos ay hindi talaga direktang umamin. "I haven't seen it (the video) yet," ang safe na sagot niya nun'g una. Diniretsa na siya ng tanong. Nag-sex ba sila o hindi? Wala nang maapuhap na isagot ang dating modelo saka nakatawang nag-dialogue ng "Please...," which means nakikiusap na siyang huwag nang pag-usapan. Basta ang paulit-ulit lang niyang sinasabi, one year and half ago pa raw niyang na-meet si Palmolive kaya matagal na raw 'yun. Wala na raw silang communication noon pa at balak niyang kausapin ito tungkol sa issue at makita ang sex video na sinasabi nito. * * * May issue rin pala sa 3rd Big Winner ng PBBCE2 na si Gaby. She was asked kung totoong nagkaroon sila ng relasyon nina Onemig Bondoc, Diether Ocampo at Derek Ramsey. Natawa ang tinaguriang Racing Goddess sa rami agad ng nali-link sa kanya. Pero wala rin siyang inamin. "Mabait lang po ako, marami akong friends," natatawa niyang sabi. "Ah, si Onemig, I haven't spoken with him in a while, pero paminsan-minsan, we still try to keep in touch," she said. Si Diet naman, kausap lang daw niya a few days ago. Na-interview rin ang aktor recently at nagsalita siyang he's excited now na nakalabas na ng PBB house si Gaby. "We're close, we're close. 'Yun lang. We're good friends also. Diether, I've known him for ages. " Pero hindi raw sila nagkaroon ng relasyon. "We like the same band, we like the same kind of music, tapos, he's into sports, he's supposed to join sa team namin, hindi lang natuloy. So, I think we're getting reacquainted right now in terms of friends. " Nang tanungin kung may balak ba siyang makipagkita kay Diet, say niya, "Yes, I think I would. " Good friend din daw niya si Derek. Teammates daw sila ng aktor sa football. At siya ang naging dahilan kung bakit ito napasok sa Frisbee since nahilig din siya sa nasabing sport. Kapansin-pansin na puro mahilig sa sports ang mga lalaking nauugnay kay Gaby, pero aniya, mga kaibigan lang lahat ang mga ito at nagkataon lang na nili-link ang mga ito sa kanya ngayon. As everybody knows, si Gaby ay nagsimulang sumikat sa larangan ng palakasan nang sumali siya sa racing league ng Asian Formula 3. She is the only Filipina who competed in the full season of the series at nanalong 1st runner-up in the Philippine National Formula Championship. Ngayong nasa showbiz na si Gaby, let's see kung manalo pa rin siya sa karera ng mga artista. Source: People's Tonight |