|
|
| Diet, nagpatutsada kay OyoAuthor: Vinia Vivar HINDI raw gift ang ibinigay ni Sam Milby sa nililigawang si Anne Curtis last Valentine's Day kundi isang surprise. Kung anuman 'yun, ayaw niya talagang sabihin kahit ano'ng pilit namin. "Basta it was a surprise, secret na lang," say niya. Nakita rin daw niyang na-surprise talaga si Anne, kaya masaya siya. Kapansin-pansin na very vocal na si Sam about his feelings for Anne and in fact, nakaya na ng aktor na sabihin ang "I love you" sa young actress on national television. Pero ipinagpipilitan ng aktor, hindi pa talaga sila "on" at nasa courtship stage pa lang sila. "It's the right thing to do it, I just wanted to do the right way," sagot ng Fil-Am actor. Inimbitahan daw niya si Anne sa premiere night ng My Big Love, pero mukhang hindi raw ito makararating. * * * ANG walang kamatayang love triangle pa rin nila nina Diether Ocampo at Oyo Sotto ang itinanong ng press kay Kristine Hermosa sa presscon ng My Big Love nila nina Sam at Toni Gonzaga last Thursday night. Pero tulad ng dati, wala pa ring bagong development na nai-share si Kristine dahil ganu'n pa rin ang statement niya — hindi pa siya ready na pumasok ulit sa isang relasyon or magmahal ulit dahil kailangan muna niyang siguraduhin ang sarili niya. Hindi pa raw sila nagkakabalikan ni Diet at wala pa ring pagbabago sa relasyon nila ni Oyo bilang magkaibigan. 'Yung tungkol sa unconditional love na sinabi ni Oyo, ani Kristine ay wala siyang alam du'n. Tanging ang aktor lang ang makapagsasabi kung ano ang ibig sabihin nito. Ano naman ang reaksyon niya sa latest statement ni Diet patungkol kay Oyo na something like "akala ko ba, friend lang ang turing niya kay Kristine? Bakit ngayon, may sinasabi siyang unconditional love?" "Naku, mga lalaki 'yan, eh. Hindi mo maiiwasan ang mga reaksyon na ganyan. Pero 'pag emotions na ang nagsalita, hindi tayo ang in control diyan, kumbaga, hindi ako ang in control, hindi si Diet ang in control, si Oyo naman, nagiging honest lang sa nararamdaman niya and si Diet din naman, nagiging honest din sa nararamdaman niya. "So, I guess, walang problema, basta huwag lang silang mag-aaway," sabi ni Kristine. Ayon pa sa magandang aktres, naririnig lang niya 'yung feelings na 'yun ni Oyo kapag ini-interview ang actor, dahil sa kanya naman, wala itong sinasabi. "'Pag kaming dalawa, hindi naman niya sinasabi na 'I love you' or 'yung mga ganyan-ganyan. Wala po talaga, and alam din naman kasi niya na hindi pa ako ready na pumasok ulit sa isang relationship. Kaya hindi siya magkakalakas ng loob na sabihin o mag-propose ng nararamdaman niya. " Inamin niya na nag-e-effort nang husto si Diet ngayon. Nakikita raw niya at naa-appreciate ito. "Pero, alam din niya kung gaano rin ako nasaktan at sinasabi ko nga sa kanya palagi, I need time. Ang gusto ko kasi, kumbaga, 'yung foundation namin ni Diet, mas mag-blossom pa," say pa ni Tin. Nilinaw din ni Kristine ang tungkol sa tsismis na diumano ay nagpaplastikan lang sila ni Ara Mina sa set ng Prinsesa ng Banyera, isang teleserye sa hapon na pinagsasamahan nila. "Of course not. Si Ara, sobrang naa-appreciate ko 'yung effort niya, sobra siyang eager kasi na maging kaibigan ako and ganu'n din ako sa kanya. Sobrang natutuwa ako kay Ara and mabuti siyang tao. " Samantala, tungkol naman sa My Big Love, showing ito on Feb. 27 at ipalalabas din sa Micronesia Mall Theater sa Guam sa Feb. 29. Source: People's Tonight |