Dec 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Diet, suko na sa Tintin-Oyo isyu

Hindi alam ni Diether Ocampo kung bakit ayaw tumigil ng tsismis tungkol kina Kristine Hermosa at Oyo Sotto. May balita na namang nakita uli ang dalawa na magkasama nu'ng August 18 sa The Fort. “Ewan ko sa kanila, bahala sila, malalaki na sila,” a...

 

Diet, suko na sa Tintin-Oyo isyu

Column: Hot 'n Spicy
Author: Vinia Vivar

Hindi alam ni Diether Ocampo kung bakit ayaw tumigil ng tsismis tungkol kina Kristine Hermosa at Oyo Sotto.

May balita na namang nakita uli ang dalawa na magkasama nu'ng August 18 sa The Fort.

“Ewan ko sa kanila, bahala sila, malalaki na sila,” ani Diether nang makausap namin sa set ng Margarita.

Mas maganda nga raw kung sina Kristine at Oyo na lang ang tanungin dahil kung siya, baka may masabi pa siyang hindi maganda't masisi pa.

Pero walang-wala raw siyang pagseselos na nararamdaman.

“Sa edad ko pa ba namang ito, magseselos pa ako? Wala na sa bokabularyo ko 'yan, pasasakitin ko lang ang ulo ko,” aniya.

Sina Diet at Tintin pa rin hanggang ngayon at ganu'n pa rin ang sitwasyon nila, walang commitment chorva.

Kasalukuyang busy si Diet sa Margarita kasama sina Wendy Valdez at Bruce Quebral. Bukod dito, may pinaghahandaan siyang proyekto sa Bacoor, Cavite (his hometown), na isang waste management program. Nakipag-cooperate na siya sa mayor ng Bacoor na si Stryke Revilla, kapatid ng ex niyang si Andrea Ynares.

* * *

Excited si Ronnie Liang sa homecoming concert na gaganapin sa Holy Angel University Gym sa Angeles City tonight.

Ang nasabing concert ay produced and directed ng manager niyang si George Roca at guests naman ang MYMP at si Geoff Taylor.

* * *

Nanghihinayang si Rachelle Ann Go na hindi na muna matutuloy ang first movie niya sa Regal Films with real-life boyfriend, Christian Bautista. Sinabihan kasi siya ng Viva Artists Agency na wala munang movie this year.

Smooth na smooth pa rin ang relasyon nila ni Christian. One year and seven months na sila.

Last August 31 ay nag-celebrate ng birthday si Rachelle at aniya, na-touch siya sa sorpresa ni Christian. “May recording kasi ako that day. Tapos, nandu'n pala siya sa CR ng studio. Nagulat ako't hindi ko alam na nandu'n siya. Bigla na lang siyang bumulaga at sabi niya, 'Surprise!', tapos, may dala-dala siyang flowers. ”

Source: People's Tonight