|
|
| Diether, Cherry Pie nakaw-eksena sa premiere ng Iisa Pa LamangColumn: Eksenadora Kagagaling lang namin mula sa press preview ng Iisa Pa Lamang (July 14 ang airing nito kapalit ng Lobo) na gina-nap sa The Block, SM North Edsa. Bagama't hindi nag-umpisa agad ang screening, masasabi naming sulit ang aming paghihintay. Napakaganda ng teleser-yeng ito nina Diether Ocampo, Gabby Concepcion at Claudine Barretto bilang Catherine Ramirez. Isang revelation at sob-rang na-impressed kami kay Diether Ocampo ( bilang Miguel Castillejos). Markado ang karakter ni Diet dito, siya ang one great love ni Catherine na sa pag-lipas ng panahon ay hindi niya nalimutan. Bilib kami kay Diet, 'yung ibang kasabayan niya nag-deteriorate at OA na kung umakting. Si Diether, ibang klase. He keeps on improving habang nagkaka-edad siya. Lumalabas ang husay niya bilang aktor. Hindi na kami magtataka kung muli ay mapansin ang husay ni Diet sa kanyang pagganap ng mga award giving bodies for television next year. This early, masasabing kakabugin ni Diether ang mga kasabayan niya, sa ipinakita niyang husay sa teleseryeng ito. Interesting at kinaaliwan din ng lahat ang ka-rakter ni Cherrie Pie Picache (bilang Isadora). Siya ang ina ni Miguel sa sa seryeng ito na magpapahirap sa buhay nina Catherine at ng Lola nito. Maldita, kontrabida pero hindi hysterical ang tipo niya. Deglamorized at promdi look naman ang karaketer ni Ms. Susan Roces (Aura) sa teleseryeng ito. Ang tinaguriang Movie Queen ang siyang lola ni Catherine at hahadlang din sa pag-iibigan nila ni Miguel. Halatang pinaghandaang mabuti ng Dos ang pagbabalik serye ni Claudine, at the same time, an acting comeback din for Gabby (bilang Raphael Torralba). Napakaganda ng location at hindi boring ang pagkagawa ng istoryang alam nating tipikal na sa isang pinoy teleserye. Ka-join sa powerhouse cast na ito sina Laurice Guillen, Bembol Roco, Kitkat, Angelica Panganiban, Melissa Ricks at Matt Evans. Idinirehe ng walang iba kundi si Ruel Bayani. * * * Bago magsimula ang press preview, naka-chikahan namin si Melissa Ricks. Agad naming tinanong ang dalaga kung bakit may mga intrigang nagkakalabuan daw sila ni Matt at hindi sila in good terms ng ka-love team. Agad naman itong pi-nabulaanan ni Melissa. Aniya, sobrang okay daw sila ni Matt. Walang problema sa kanila. Baka raw iba ang tinutukoy ng mga nang-iintriga sa kanila, sinigurado ni Melissa, hindi sila ni Matt 'yun. Masaya pa raw silang nagba-bonding lagi ng binata at nagkukulitan. Magkasama ang dalawa sa Iisa Pa lamang at aso't pusa ang turingan nila rito na sa bandang huli ay mukhang magkaka-inlaban din. Ganoon? * * * Isa namang natutuwa kaming panoorin ngayon ay itong si Gerald Anderson. In fact, tineks namin si Jun Reyes (discoverer at manager ) ng aktor at ipinaalam namin na ang laking improvement ni Gerald sa My Girl, huh. Sa mga eksena nito sa Sana Maulit Muli dati ay hirap mag-deliver ng mga linya si Gerald, at hindi pa nito ma-kontrol ang mga facial expression, pero iba na sa My Girl. Kontrolado na ng aktor ang emosyon niya on screen at diretso na siyang mag-tagalog. Gusto talagang matuto ni Gerald and he has to learn new things in acting, otherwise mapag-iiwaanan siya. Nabalitaan naming supportive naman daw si Kim Chiu sa aktor. Wala kaming masasabi kay Kim, keri niya ang pinaggagawa niya sa My Girl, in fact, mas magaling pa siya sa original na gumanap nito. Source: Taliba |