Oct 14
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Diether: 'Irrelevant na pag-usapan si Oyo'

Nag-shooting na noong Huwebes ng gabi si Richard Gutierrez sa My Monster Mom, ang pelikula ng ina niyang si Annabelle Rama at kapatid na si Ruffa Gutierrez na co-produced ng Regal Entertainment at GMA Films. Sa isang apartment sa may Sct. Santiago at S...

 

Diether: 'Irrelevant na pag-usapan si Oyo'

Column: About Showbiz
Author: Pilipino Star Ngayon

Nag-shooting na noong Huwebes ng gabi si Richard Gutierrez sa My Monster Mom, ang pelikula ng ina niyang si Annabelle Rama at kapatid na si Ruffa Gutierrez na co-produced ng Regal Entertainment at GMA Films. Sa isang apartment sa may Sct. Santiago at Sct. Lozano, Roces Avenue ang shooting, kung saan ka-eksena ng actor si Rhian Ramos.

Special participation dito si Richard sa role na young Eddie Gutierrez at two days siyang magsu-shooting. Hindi nito alam kung may talent fee siya sa movie, dahil hindi siya sinagot ng ina nang tanungin niya ito. Solved na rin ang pinu-prob­lema ni Annabelle na billing ng anak, dahil bibigyan sila ni Eddie ng special participation billing.

Natawa si Richard sa sinabi ni Annabelle na bagay sa kanya ang mag-portray na young Eddie, dahil sa kanyang mga anak na lalaki, ang actor ang kamukha ng ama at pati pagka-playboy ay  namana. Har-har-har!

Kampante ang actor na nabigyan niya ng justice ang pagganap sa role ng ama at nagustuhan nito ang movie na nakakaaliw daw at masaya. Bilib din siya sa bilis magtrabaho ni direk Joey Reyes na first time niyang naging director.

Pero, pinakabilib si Richard kay Annabelle na talo raw sila sa pagka-in demand. Sabi nito: "Pumi-pick up ang career ni mommy, in demand siya sa TV, commercials at may movie pa ngayon. I'm happy for her. "

Samantala, ngiti lang ang sagot ni Richard sa tanong ng press kung nag-enjoy siya being with KC Concepcion sa Calatagan, Batangas. Mas magandang ngiti ang reaction nito nang biruing, kaya nagmamadali siyang umuwi'y dahil dadalawin o tatawagan si KC.

* * *

Kasama sa cast ng TV remake ng Magdusa Ka si Gardo Versoza na nabalita noong hindi na puwede sa project ng GMA 7, dahil may kontrata sa ABS-CBN para sa Anna Liza  at habang hindi iyon naipapalabas, hindi siya puwedeng lumabas sa Channel 7.

Ang latest, ni-release na ng Channel 2 si Gardo, dahil kanselado na raw ang Anna Liza,  as in hindi na itutuloy na ayaw naming paniwalaan, dahil nakapag-taping na ang cast nito.

Anyway, bida sa Magdusa Ka sina Dennis Trillo at Katrina Halili at makaka-love triangle nila si Iwa Moto na pumalit kay Cristine Reyes. Kabilang din   sa cast sina Jackilou Blanco, Rita Avila, Ana Capri, Emilio Garcia, Anton Bernardo, Gabby Eigenmann, Rich Asuncion, Prince Stefan, Deborah Sun, at Liza Lorena.

Si Maryo J. delos Reyes ang director ng bagong feature sa Dramarama sa Hapon  ng istasyon, simula sa May 12.

* * *

Kinuyog ng press si Diether Ocampo sa presscon ng Maligno, pero hindi puro tungkol sa horror series ng ABS-CBN ang itinanong sa kanya. Marami pa rin ang gustong malaman ang estado ng relasyon nila ni Kristine Hermosa at pati isyung Oyo Sotto ay sumingit din.

"Ayos naman kami ni Kristine, nagkasama kami nang i-shoot ko siya for a print ad. Nag-usap kami, hindi gaya before na very emotional kami 'pag nagkikita. Ngayon, kaya na naming i-handle ang mga sitwasyon.

"As for Oyo, irrelevant na pag-usapan siya. I'd rather keep it to myself, may mga opinion na 'di puwedeng sabihin sa ibang tao," sabi nito na itinangging naiirita siya tuwing tinatanong sa kanya ang actor.

Nakiusap itong tungkol na lang sa Maligno  na balik-tambalan nila ni Claudine Barretto ang pag-usapan at masayang ibinalitang after this daw ay mapapanood siya sa Iisa Pa Lamang, kasama pa rin ang actress at si Gabby Concepcion na dati'y pinapanood lang daw niya ang mga pelikula.

Pareho raw silang excited ni Claudine to be working together again, dahil bukod sa magaling na actress ay best friend pa niya. Natutuwa siya sa malaking ipinagbago ng kaibigan at hindi na lang daw ito umaarte, may input at suggestions din ito para mas gumanda ang Maligno na eere na sa April 28.

Source: The Philippine Star