|
|
| Diether Ocampo is Claudine Barretto's leading man in her comeback projectAuthor: Julie Bonifacio
Plano sana ni Diether na magbakasyon muna pagkatapos ng sunud-sunod na trabaho niya sa ABS-CBN, pero dahil sa mga nakalinya niyang trabaho ay hindi niya ito magagawa. "Dapat magbabakasyon ako... Pupunta sana ako sa Amerika. For two weeks ako dapat para asikasuhin ko yung magazine business doon.. Pero hindi puwede pag ganung may bagong project. So, hintayin na lang natin."
"Kakauwi ko lang kaya pagod-pagod ako. Nagdala kami ng school supplies para doon sa mga bata," sabi niya. Ito na ba yung pinuntahan ng P500,000 donation ng Star Magic na ibinigay sa kanyang KIDS Foundation during the Grand Ball ng Star Magic last August? "Isa ‘yon sa nakinabang doon sa dinonate. Tapos marami pa kaming projects na gagawin. Yung nutrition program na ginawa namin para sa mga bata sa lahat ng mahihirap na barangay. Barangay naman, hindi eskuwelahan. Pang-national din ‘yan. Ready na yung program, i-implement na lang," lahad ni Diether. KRISTINE HERMOSA. Kailan naman kaya haharapin ni Diether ang magkaroon ng anak sa "asawang" si Kristine Hermosa? "Matagal pa siguro ‘yan," ngiti ni Diet. Hindi ba siya kinakabahan ngayong mukhang nae-enjoy nang husto ni Kristine ang paglabas-labas niya with her male friends, gaya nina Oyo Boy Sotto at ang non-showbiz guy na si Rajiv? "Natutuwa nga ako na nag-e-enjoy siya. She's young at dapat naman talaga masaya siya sa ginagawa niya," sabi ng aktor. Masaya rin si Diether dahil okay na si Kristine and her family. Okay na rin ba si Diet at ang Mommy Mai ni Kristine? "Oo, okay naman kami," sagot niya. Nang makausap ng PEP si Kristine sa presscon ng bago niyang teleserye na Prinsesa Banyera ay kinumpirma nga niya na nagbati na si Diet at ang kanyang ina. Source: Philippine Entertainment Portal |