|
|
| Diether Ocampo lilipat sa GMA-7?Author: Vinia Vivar BABAE naman ang gustong anak ni Kris Aquino sa kanyang pangatlong pregnancy. The TV host-actress has two sons already, ang panganay niyang si Joshua Phillip, na anak niya kay Phillip Salvador, at ang pangalawa naman ay si Baby James, anak naman nila ng asawang si James Yap. May pangalan na nga raw na naiisip si Kris at ito ay Samantha Kristina Yap. Ang magiging nickname raw ay SKY, na siyang initials nito. Unique, 'di ba naman? Matatandang kinumpirma na ng obstetrician ni Kris na si Dr. Greg Pastorfide talagang buntis ang aktres-TV host through K-text. Pero pagkatapos nito, nagkaroon ng balitang may problema na naman daw sa pregnancy niya. It will be recalled na naging maselan ang pagbubuntis ni Kris kay Baby James to the point na kinailangan niya talagang mag-bed rest just to ensure her and her baby's safety. Balita rin that Kris has an announcement to make at baka raw maganap ito sa March 30 episode ng The Buzz, kaya abangan. Anu't anuman, marami ang nagdarasal na sana'y okay naman ang pregnancy ni Kris at ang kanyang kalusugan. * * * TOTOO kaya ang tsismis na nagbabalak nang lumipat si Diether Ocampo sa GMA-7 dahil hindi na raw ito masaya sa ABS-CBN? Kung kami ang tatanungin, ang isang tulad ni Diet ay hindi dapat pakawalan ng ABS-CBN dahil he's one of show business' finest actors. Huli namin siyang napanood sa kanyang short appearance sa Lobo, pero mind you, hanggang ngayo'y nakatatak sa isipan ng marami ang napakahusay niyang portrayal bilang ama ni Nessa (Agot Isidro) at kapatid ni Elle (Sheryl Cruz/Pilar Pilapil). Ang alam namin ay kasama si Diet sa Maligno sineserye ni Claudine Barretto, kaya kung nagbabalak siyang lumipat ng network, it couldn't be soon. * * * SA pictorial nina Matt Evans and Melissa Ricks para sa bagong episode ng Your Song, kapansin-pansin na nag-mature na ang dalawa sa kanilang mga kilos at pananamit. Ang loveteam na nasubaybayan natin sa Pedro Penduko at Princess Sarah ay ibang-iba na raw ngayon pati sa pananaw sa buhay. "Iba namang Matt Evans at Melissa Ricks ang makikita n'yo, kasi 18 na rin ako at si Matt naman, 19 na rin," sabi ni Melissa, na nagsimula sa sikat na reality-based talent search na Star Circle Quest. "Excited kami sa project na 'to, kasi kakaiba po talaga ang kuwento. Magkababata kami at nag-promise kami sa isa't isa na magpapakasal kami pagtanda namin. Nagkahiwalay kami nang matagal na panahon dahil nag-migrate ang pamilya ko sa States. Maraming nabago, siyempre, pagbalik ko," sabi naman ng new look na si Matt. Galing kasi sa Amerika rito si Matt kaya naman tanned and look niya at lighter ang kulay ng buhok. Si Melissa naman, magtu-two-piece bathing suit, na inamin niyang matagal din niyang pinag-isipan at kinailangang ipaalam sa mga magulang at management. Tamang-tama rin sa summer ang setting ng kuwento dahil kinunan pa ito sa isang beach resort sa Calatagan. Masusing preparasyon ang pinagdaanan nila rito, bukod sa pagdidiyeta, nag-acting workshop pa under Direk Rahyan Carlos. Magsisimula na sa April 6 ang Your Song episode nina Matt at Melissa featuring the song, Sayang na Sayang by Sheryn Regis. Mapapanood ito sa apat na Sundays ng April, pagkatapos ng ASAP '08, mula sa direksyon ni Manny Palo. Source: People's Tonight |