|
|
| Diether Ocampo naiwan sa pansitan ni Rafael RosellColumn: Eksenadora BAGAMA'T aminado si Claudine Barretto na niner-biyos siya nu'ng presscon ng Maligno (ipapalabas sa hu-ling linggo ng Abril sa primetime bida), dahil naroon that night si Susan Roces, sobrang tuwa naman siya dahil, aniya, sa kanyang pagbabalik telebisyon ay isang Su-san Roces Cinema Collection ang kanyang ginawa. Ayon naman kay Tita Susan, ang Maligno ay mala-king bahagi ng kanyang career dahil ito ang unang pro-yektong nagbigay sa kanya ng acting award sa Famas. Dagdag pa ng movie queen, ito rin pelikulang pinrodyus niya na idinerehe ni Celso Ad Castillo noong 1976. Diretsahan ding sinabi ni Claudine na oo nga't super proud siya na siya ang napiling gumanap bilang Angela Cortez, aminado rin ang aktres na nagdalawang-isip siyang gawin ang horror-serye na ito dahil sa maseselang eksena. "You're not only dealing kasi with spirits gaya ng mga napapanood natin sa mga suspense movies. Here, you're dealing with demons," may kilabot pang sabi ni Claudine. Alam ng lahat na pina-practice ni Claudine ang pagiging isang Christian niya at dahil dito, kumunsulta raw muna ang aktres sa pas-tor nila sa Victory Christian Fellowship kung itutuloy ba niya ang pagganap. Pinayuhan daw siyang puwede niyang ituloy ito, after all, it's just a character that she has to portray. Malalim din ang pananampalataya ni Claudine sa Diyos kung kaya't bago siya gumanap sa maseselang eksena sa Maligno, lalo na 'yung mga eksenang kaharap niya ang evil chorva sa katauhan ni Rafael Rosell, nagbibitiw na lang ng Bible verses si Claudine at nagda-rasal siya para hindi tuluyan pasukin ng masamang espi-rito ang kanyang katauhan. Sa totoo lang, impressive ang Maligno. Sa ganda nito, iisipin mong totoo ngang may mga taong napu-possess. * * * ILANG eksena pa lang ang napanood ng press, pero all praises ang lahat kay Rafael Rosell. In fact, sa hunky papa na ito nakatuon ang pansin ng lahat dahil bukod kay Claudine, ang role ni Rafael sa Maligno ang masasabing pinaka-markado. Kaya nga, hindi naiwa-sang pagkumparahin sila ni Diether Ocampo (kasama rin sa seryeng ito) at tila napag-iwanan daw ni Rafael sa pansitan itong si Diet. May ganoon? Agad naman itong itinanggi ni Rafael. "The role kasi of Diether comes out in the middle of the story pa. No, walang sapawan sa amin ni Diether," aniya. Sa totoo lang, kikilabutan kayo 'pag pinanood ninyo si Rafael na gumanap bilang Lucas dito sa Maligno. Hay, grabe! Sinabi mismo ng aktor na maging siya ay nakaranas na na-possess sa kanyang pagganap na demonyo. Aniya, it happens daw 'pag mag-isa lang siya kaya talagang todo-dasal din siya para hindi tuluyang mapasok ng demonyo. * * * SA Cover Boys, best seller kumbaga sa isang recipe sina Jake Cuenca, Zanjoe Marudo, Will Devaughn, Rafael Rosell at Jon Avila. Although kasama rin nila sina Ron Morales at Marvin Raymund, still, mas malakas na 'di hamak ang appeal ng hunky papas na nauna naming binanggit. Magkakaroon ng show ang Cover Boys this coming May 9 and 10-8 p. m. at the Music Museum kung saan higit pa sa pagpapakita lang ng katawan ang gagawin ng mga yummy papa na ito. Say ni Jake Cuenca na pa-rang spokesman ng grupo, may talent daw silang ibubu-ga at hindi basta katawan lang nilang nakahubad ang kaya nilang i-offer. Pero, aminado silang lahat na malaki ang share ng fe-male audience nila at willing naman daw sila to go sexy and naughty with them on stage. Talbog! Mariin ding pinabulaa-nan ni Jake ang intriga sa kanila ng beauty queen na si Maggie Wilson. Aniya, kaibigan lang daw niya si Maggie at walang katotohanan na naglasingan si-la sa isang bar. Ayaw ni Roxanne Guinoo ng ganyan. Promise! Source: Taliba |