Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Diether binalewala ang panganib sa Mindanao

Author: Beth Gelena
Column: E-talk

HINDI alintana ni Diether Ocampo kahit may gulo mang nagaganap sa Min-danao. Pumunta siya roon kasama ang girlfriend na si Rima Ostwani para mag-distri-bute ng school supplies at mga tsinelas, donated by his friend Richard Tiu, para sa kanyang K. I. D. S Foundation. Masayang tinanggap sina Diether, Rima at Usec. Nabil Tan, lalung-lalo na ng mga batang Muslim at Kristiyano, bilang promotion na rin ng National Peace Month.

Nagtungo ang grupo sa Sultan Kudarat, North Cotabato, Davao at Mindanao para magbigay-inspirasyon sa mga kabataan na apektado ng digmaaan sa Min-danao. Advocacy ni Diet na makatulong sa mga bata kaya ginawaran siya ng certificate of appreciation ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process dahil sa mga tulong na ibi-nibigay ng kanyang K. I. D. S Foundation.

* * *

Mahirap man o mayaman at maging ang mga artista ay talaga namang pi-nerwisyo ng bagyong Ondoy.

Ilan lang sa mga artistang ito sina Cristine Reyes, Jean at Jennica Garcia, Gladys Reyes, K Brosas, Chokoleit, at Sylvia Sanchez na buntis pa naman.

Maging ang Wowowee host na si Willie Revillame ay na-stranded nang halos siyam na oras sa kalsada habang patungo sa kanyang noontime show.

At dahil sa pinsalang dala ni Ondoy, umagang-umaga pa lang ng Linggo ay naglilibot na si Willie kasama si Sen. Villar sa iba't ibang lugar na sobrang naapektuhan ng bagyo. Sakay ng chopper ay nagtungo sila sa Pasig, Marikina, Cainta, Marcos Highway, San Mateo at Montalban areas at personal na namigay ng tulong sa mga nasalanta ng baha.

Maliban sa relief efforts ni Willie, nag-donate din siya ng P1 milyon sa ABS-CBN Sagip-Kapamilya para sa mga nabiktima ni Ondoy.

At noong Lunes sa Wowowee ay pinanguna-han ni Willie ay pagdarasal para sa kaligtasan ng mga nabiktima ng bagyo. Kada minuto ay nakikibalita si Willie kina Kuya Kim (Atienza) at Tina Monzon-Palma ng Sagip-Kapamilya para sa mga bagong pangyayari sa mga nasalanta ng baha.

May isang nakapa-nayam si Willie na si Eric na biktima ng baha at nakunan pa ng video ng ABS-CBN kung saan makikita ang kanyang 6-anyos at 3-anyos na anak na nakakapit sa bubong ng kanilang bahay habang inaanod ng tubig-baha. Hanggang ngayon ay wala pang balita kung nasaan na ang dalawang anak at asawa ni Eric. Maging ang alalay ni Willie na si Bentong ay biktima rin ni Ondoy at nakikitira lang sa isang kapitbahay, kaya taos-pusong pinasalamatan ni Willie ang kumupkop sa buong pamil-ya ni Bentong.

* * *

KUSANG-LOOB din ang ginawang pagtulong ni Angel Locsin sa mga biktima ng bagyong Ondoy sa Payatas, Quezon City.

Nag-text brigade daw si Angel sa kanyang kapwa-artista para matulungan ang mga nabiktima ng bagyo sa Payatas.

"Nag-text po ako kina Tita Mariolle Alberto, (head ng Star Magic). Pinapunta nila sa Payatas 'yung Star Magic artists at nagulat ako at hindi ko po ine-expect. Kaninang umaga ay may pumaradang naka-coaster at nakita ko na sina Piolo (Pascual), sina Maricar (Reyes). .. Thank you po sa pagsuporta ninyo," tuwang-tuwang kuwento ni Angel.

* * *

MAY panibago na namang susubaybayan ang Kapa-milya televiewers, ang naka-tutuwang Lovers in Paris nina Piolo Pascual at KC Concepcion.

Katunayan, naging maganda ang resulta ng pilot episode nito ay talaga na-mang kaaliw panoorin sina Piolo at KC, na sa unang pag-haharap pa lamang ay nagbabangayan na. Kung ti-tingnan ang role nina Piolo at KC, parang hango sa tunay nilang buhay ang Lovers in Paris. Sa personal kasi, med-yo may pagkasuplado ang aktor pero habang nakakasama mo ito nang matagal ay sobrang bait pala. Si KC naman, mula nang pumasok sa showbiz ay may pagka-kikay na kaya hindi ka na magtataka kung ang role niya bilang si Vivian ay siyang-siya in real life.

Source: Taliba