Dec 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Diether 'di pinayagan ng Star Magic para kay Regine

Seen: Nakita si Jennifer Sevilla sa Robinsons Galleria noong Huwebes. Buntis sa kanyang pa­nganay ang dating member ng That's En­tertainment.Scene: Inirereklamo ng mga subscriber ng 24/7 ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus na madalas na nawa...

 

Diether 'di pinayagan ng Star Magic para kay Regine

Column: Seen Scene
Author: Pilipino Star Ngayon

Seen: Nakita si Jennifer Sevilla sa Robinsons Galleria noong Huwebes. Buntis sa kanyang pa­nganay ang dating member ng That's En­tertainment.

Scene: Inirereklamo ng mga subscriber ng 24/7 ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus na madalas na nawawala sa ere ang kanilang pina­panood kapag maselang isyu ang pinag-uusapan ng mga teen house­mates. Luma na ang mga reklamo nila dahil ma­tagal ng nangyayari iyon sa 24/7 edition ng PBB.

Seen:  Makapal at su­mobra ang pula ng blush-on kahapon ni Bernadette Sembrano sa Umagang Kay Gan­da. Parang sinampal sa magkabilang-pisngi si Bernadette.

Scene: Na-consider si Diether Ocampo na maging kapareha sa TV series ni Regine Ve­lasquez ngunit hindi raw pinayagan si Diether ng Star Magic.  

Seen: Nakalagay sa blog ni Nancy Cas­tiglione ngayon ang mga litrato niya noon. Kitang-kita ang malaking pagbabago ng mukha ni Nancy. Mas gusto ng PSG (Pilipino Star Gossip Group) ang lumang itsura ni Nancy. May anggulo na kamukha ni Nancy si Maureen Larrazabal.

Scene: Dapat magdagdag ng timbang si Robin Padilla. Hindi bagay sa kanya ang hawas na mukha sa mga eksena niya sa Joaquin Bordado.

Seen: Ang reaksyon ni Sen. Kiko Pangilinan sa sinabi ni Sharon  Cuneta na wala pang closure ang mga isyu nila ni Gabby Concepcion ang nais marinig ng mga tao. Isabay na rin ni senator ang paliwanag sa matagal nang tsismis na may mga anak siya sa ibang babae dahil palaging ang megastar ang nagsasalita. Sinagot at pinabulaanan ni Sharon ang isyu tungkol sa kanyang asawa sa The Buzz noong Linggo.

 

Source: The Philippine Star