Dec 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Diether `inupakan' ang mga zoo sa PETA commercial

AKTOR na umani ng mga parangal, nag-pose bilang isang nakakulong na zebra para iparating sa fans na naghihirap ang mababangis na hayop sa mga kulungan. Nakapintura mula ulo hangang paa na pawang mga stripe ng zebra at nasa loob ng kahon na may stripe ...

 

Diether `inupakan' ang mga zoo sa PETA commercial

Author: People's Taliba

AKTOR na umani ng mga parangal, nag-pose bilang isang nakakulong na zebra para iparating sa fans na naghihirap ang mababangis na hayop sa mga kulungan.

Nakapintura mula ulo hangang paa na pawang mga stripe ng zebra at nasa loob ng kahon na may stripe ng zebra katabi ang mga katagang "Think Outside the Box: Close Zoos," ang Star Awards Best Drama Actor na si Diether Ocampo para sa pinakabagong patalastas ng People for the Ethical Treatment of Animals Asia-Pacific - isang katuwang ng pinakamalaking organi-sasyon para sa karapatan ng mga hayop sa buong mundo. Ang patalastas - na kinunan ng batikan na photographer na si David Fabros - ay inaasinta ang atensyon ng mga tao sa paghihirap ng mga mababangis na hayop na pinipilit na mamuhay sa mga kulungan.

Bakit nag mala-zebra si Ocampo? Libo-libong mga hayop ang naghihirap sa mga zoo sa buong mundo. Sapagkat sila ay pinagkakaitan ng lahat ng natural at mahalaga para sa kanila - at madalas na inaabuso - pinapakita nila ang kanilang kabiguan at kalungkutan sa pamamagitan ng pagmamalabis, paulit-ulit at nakakasira ng ulo na mga pag-uugali.

"Sinasabi ng mga zoo na tinuturuan nila ang mga tao at pinipreserba ang mga hayop, subalit hindi sila nagta-tagumpay dito," sabi ni Ocampo. "Ang mga zoo ay nagpapakita ng maling perspektiba ng wildlife. Ang mga zebra ay mga palakaibigan na mga hayop na nakatira sa mga grupo na kasama ang ilang daang hayop, ngunit, ang tanging zebra na nasa Manila Zoo ay binubuno ang kanyang araw mag-isa. "

Sa isang pag-aaral ng Oxford University base sa apat na dekadang pag-oob-serba ng mga naka-kulong at hindi naka-kulong na hayop ay natuklasan ang mga hayop tulad ng mga oso, leon, tigre at cheetah "ay nagpakita ng mga ebi-densya ng pagkapagod at mga karamdamang siko-lohikal dahil sa pagka-kakulong" at sinabi na ang pag-kupkop sa mga natural na carnivore ay dapat maayos o matanggal"

Ang kawan ng mga hayop - tulad ng sa mga zebra - ay naghihirap kapag ang kanilang kala-yaang makaga-law at makapili ng mga kasama ay tinatanggal. Sa gubat, ang mga zebra na na-katira lamang sa Silangan at Timog na bahagi ng Africa ay nasa malalawak at madamong lugar at makahoy na lupain, subalit ang nag-iisang zebra sa Manila Zoo ay nakapiit sa maduming kulungan na nagkakaroon ng putik dahil sa hindi magandang daluyan ng tubig.

Sabi ni Ocampo, "Ang mga zebra ay nakakatakbo sa bilis na mahigit sa 56 na kilometro bawat oras at may tirahan na 622 kilometrong lawak, subalit ang kabuuan ng Manila Zoo ay natatayang 0. 055 kwadradong kilometro lamang. Kahit ang mga pinakamalaking zoo ay hindi kayang magbigay ng espasyo, ehersisyo, privacy, mental stimulation at iba pang pangu-nang pangangailangan ng mga hayop na nakakulong. "

Ang mga zebra ay mga hayop na marunong makisama na natural sa mga hayop na tulad nila, kasama ang mga kongoni, gazelle, at antelope.

Ang mga zebra ay kilala dahil sa talas ng kanilang paningin at mahusay na pang-amoy at pandinig. Nangungusap sila sa mga kaibigan at miyembro ng pamilya sa pamama-gitan ng paggalaw ng kanilang mga tenga, ekspres-yon ng mukha at paggawa ng tunog tulad ng pagkahol at snorting.

Ang mga zebra ay may magandang relasyon sa kanilang kawan at kilala sa pagprotekta dito laban sa panganib.

Sa gubat, sila ay naglalaro sa ilalim ng araw, naglalakad at nakikipagusap sa iba pang mga hayop.

Maliban sa pag-shoot ng Princess Sarah: Ang Munting Prinsesa - isang serye ng ABS-CBN - si Ocampo ay abala din sa pagtulong para mapanatili at maprotektahan ang karapatan ng mga bata sa K. I. D. S. (Kabataang lyong Dapat Suportahan) Foundation.

Si Ocampo ay may inaalagaan na anim na aso at limang pusa. Iba pang mi-yembro ng crew para sa patalastas ay ang set designer na si Danvic Briones at ang tattoo pro na si Gene Testa.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang WildlifePimps. com

Source: Taliba