Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Diether, itinangging may heart problem

Author: Vinia Vivar

SAYANG at may girlfriend na si Sid Lucero dahil kung wala, malamang na ligawan niya ang kanyang leading lady sa Your Song Presents Gaano Kita Kamahal na si Maricar Reyes.

Gandang-ganda si Sid sa face ni Maricar at hangang-hanga siya sa dalaga.

"Actually, my hats off to her especially the way how she's handling things. Mas nakaka-in-love nga 'yun, eh," sabi ni Sid.

Hindi nga raw niya akalain na makakatrabaho niya ito at this point in time dahil ang akala raw niya ay nagpunta ito sa States.

Sa set ay puro positibong bagay lang daw ang pinag-uusapan nila at hindi nila naidi-discuss ang mga hindi magagandang pangyayari.

'Yun nga lang, wala raw silang kissing scene at natawa na lang ang aktor nang tanungin kung hindi ba siya na-disappoint.

Sa kanyang lovelife, five years na raw sila ng non-showbiz girlfriend na si Rosie Delgado at mahal na mahal niya ito. Marriage, though is still far from their minds dahil nag-i--enjoy pa raw sila sa buhay nila ngayon.

Sa Your Song Presents Gaano Kita Kamahal, na magsisimula na this Sunday (July 5), ay gagampanan ni Sid ang papel na girlfriend ni Jodi Sta. Maria pero mai-in-love sila pareho ni Maricar sa isa't isa.

Bida rin si Sid sa digital film na Astig produced by Boy Abunda under the direction of GM Sampedro na kasama sa Cinemalaya Film Festival at ipalalabas sa CCP. Kasama naman niya dito sina Glaiza de Castro, Edgar Allan Guzman, Arnold Reyes at Dennis Trillo.

* * *

Dahil sa mahusay na pagganap bilang pulis nina Tonton Gutierrez at Precious Lara Quigaman sa top-rating series na May Bukas Pa, nakatakda silang tumanggap ng special award mula sa Philippine National Police (PNP) sa July 6.

Parehong pinili ng Police Director for Police Community Relations na si German Doria sina Tonton at Precious Lara para bigyan ng karangalan.

Isinaad ni Doria sa sulat na ipinadala nito sa executive producer ng May Bukas Pa na si Ethel Espiritu na "The PNP will be presenting awards to the PNP units and its personnel, as well as organizations and individuals for their invaluable contribution to the various police-community relations projects that greatly help in the attainment of the mission of PNP. "

Ang awarding ay gagawin sa grand kick-off ceremony of the 14th Police Community Relations Month Celebration na mangayayari sa harap ng NHQ PNP Building.

Sa seryeng May Bukas Pa ay mag-asawa sina Tonton (Mario) at Precious Lara (Selda). Sila ay mabubuting pulis na ang laging iniisip ay kapakanan ng mamamayan kaya naman ang kanilang karakter ay nakapagbibigay ng magandang imahe sa buong kapulisan.

* * *

Idine-deny ng Only You leading man na si Diether Ocampo na mayroon siyang heart problem kaya nagkaroon siya ng seizure sa Star Magic show nila sa US.

May tsismis ding na-rekindle din ang feelings nila ni Kristine Hermosa sa isa't isa dahil sa nangyari.

Sasagutin ni Diet ang lahat ng ito ngayong hapon sa The Buzz, kaya abangan.

Samantala, isang malaking twist ang magaganap sa Only You sa susunod na linggo.

Source: People's Tonight