Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Diether, naospital!

Author: Ogie Diaz
Column: May Ganu'n?

Ipinakita sa amin ni Pokwang ang mahigit 50 pages na comments ng mga respondent sa iba't ibang forum matapos daw siyang awitan ni Joey de Leon na mukha siyang "aswang. "

Binasa namin ang ilan. 'Yung ilang ay nag-a-agree kay Joey, samantalang ang halos karamihan ay galit na galit sa tv host.

At parang sa isang salita nila inilarawan si Joey: "Matanda ka na!"

Juice ko, sabi nga namin kay Pokwang, ang daming nangangarap na patulan ng isang Joey de Leon, "Kaya nga, flattered ako, mare, 'no! Joey de Leon 'yan, hindi na 'ko choosy!

"Pero hindi ko lang alam kung ano'ng kasalanan ko sa kanya, ba't kailangang pati ako na hindi naman siya inaano, eh, idinaramay niya? O, natutuwa lang sa akin ang lolo mo?"

Hanggang sa sabihin ni Pokwang, "Hayaan mo na nga ang lolo mo. Hindi naman natutulog ang Diyos, eh. Wala 'yan sa lola ko. Dahil ang lola ko, mahal na mahal ang movie press at hindi naghahangad ng masama sa kapuwa!"

May gano'ng factor?

* * *

Naospital pala nitong week lang si Diether Ocampo due to gastroentritis.

Dapat sana'y may raket kami for Diet sa isang out-of-town show, kaso, naospital nga ang lolo n'yo, dahil namilipit sa sakit ng tiyan.

At least, hindi buntis si Diether, in fairness.

* * *

Tumataba nga ba si JayR Siaboc ngayon? Hindi pa kasi namin siya nakikita lately, eh.

'Wag kayong sisinu-sino 'yon, ha? Kasi, runner-up ni Yeng Constantino 'yan sa PDA, 'no!

Ba't nga ba siya tumataba ngayon? Pinatataba nga ba siya ni Irish Fullerton, ang dyowa niyang taga-PDA rin? O, may ibang "nagpapataba" kay JayR?

Hmp! Parang kilala namin, ah?

* * *

Nagkaroon ng isyu kina Jenny Miller at Valerie Concepcion, dahil lang sa upuan sa event ng Belo Medical Group nu'ng Aug. 8. Makikiupo lang si Jen sa table pansamantala, nagdayalog daw itong si Valerie na parating na ang may-ari ng upuan, sina Piolo Pascual at Angel Locsin.

Ngayon naman, ginagawan ng isyu. Kaya raw ayaw paupuin ni Val si Jen ay dahil kaibigan ito ni Claudine Barretto. Si Val kasi, kaibigan naman ni Angel at iisa ang kanilang manager.

May gano'ng factor na ngayon?

* * *

BUKAS na, Aug. 17, 3-7 p. m. , ang pinakaabangang 3rd anniversary celebration ng aming radio program, ang Wow! Ang Showbiz!!!, sa Entertainment Plaza sa Food Court ng SM City North Edsa.

Ngayon pa lang, nagpapasalamat na kami sa mga kaibigang manager ng mga artistang nakausap namin at "nagpahiram for free" ng kanilang mga alagang artista.

Nalokah nga kami ru'n sa isang manager, nu'ng malamang libre lang 'yung paglabas ng kanyang mga alaga, biglang nagpasabi na meron silang raket, kaya sorry daw.

Anyway, nagbakasakali lang naman kami, eh. Okay lang kung hindi puwede. Kaya, thank you kina Kuya Boy Abunda, Arnold Vegafria, Veronique del Rosario, Ate Lolit Solis, Direk Chito Roño, Mommy Pinti Gonzaga, Eric Raymundo at sa production unit manager ng Dyosa na si Raymond Dizon sa pagpapahiram ng kanilang artista na hindi pinag-uusapan ang salapi.

Sina Sam Milby, Richard Poon, Erik Santos, Rachelle Anne Go, Mark Bautista, Toni Gonzaga, Vhong Navarro, Pauleen Luna, Paolo Contis at iba pang celebrities ang dadalo nang walang bayad. Tulungan lang naman 'yan, eh.

Kaya watch na kayo, ha? Daming chika, daming artista, daming giveaways!

Source: People's Tonight