Dec 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Dina 'di pabor sa relasyon ni Oyo kay Kristine

SA isang interview ni Dina Bonnevie ay parang kinukuwestiyon niya kung bakit si Kristine Hermosa pa raw ang nagustuhan o nililigawan ng binata niyang si Oyo Boy Sotto. Ikinasal na raw kasi ang aktres kay Diether Ocampo. Kumbaga, hindi na raw ito singl...

 

Dina 'di pabor sa relasyon ni Oyo kay Kristine

Author: Gary Sta. Ana

SA isang interview ni Dina Bonnevie ay parang kinukuwestiyon niya kung bakit si Kristine Hermosa pa raw ang nagustuhan o nililigawan ng binata niyang si Oyo Boy Sotto.

Ikinasal na raw kasi ang aktres kay Diether Ocampo. Kumbaga, hindi na raw ito single. May asawa na raw si Kristine.

Nakausap namin si Kristine sa presscon ng pelikulang My Big Love ng Star Cinema na showing na sa Feb. 27, kung saan ay isa siya sa mga bida rito.

Kinuha namin ang kanyang reaction sa naging pahayag ni Dina tungkol sa kanya.

Sabi ni Kristine: "May sariling opinion si Ms. Dina. Sino ba namang nanay ang papayag. Kahit ako kapag maging nanay, ayoko rin naman na mali-link ang anak ko or magkaroon ng someone ang anak ko sa may asawa na. So, I understand kung ganu'n ang naging reaction ni Ms. Dina," ayon sa aktres.

"Pero, nagkakilala na kami. Ipinakilala na ako sa kanya ni Oyo. Nakapag-usap na kami tungkol diyan. Ayun nasabi ko sa kanya na ganito po, ganyan po. Pero, hindi pa nga lang detalyado that time. "

* * *

KAHIT walang regular show ngayon si Jiro Manio sa ABS-CBN, ang humahawak sa kanyang career, ay wala naman si-yang plano na iwan ang Kapamilya network at mag-ober da bakod sa GMA 7 na gaya ng ginawa ng ibang talents noon ng Dos.

"Loyal po ako sa ABS-CBN. Malaki ang utang na loob ko sa kanila. Kung hindi naman po kasi sa kanila, hindi ako makikilala ng mga tao, 'di ba?

"Kaya wala po akong plano na lumipat sa ibang istasyon. Maghihintay na lang po ako ng project mula sa kanila. Alam ko naman na bibigyan at bibigyan pa rin nila ako ng show, eh," sabi ni Jiro na busy ngayon sa shooting ng Manay Po 2, kung saan ay gu-maganap siya bilang bading na bunsong anak ni Cherry Pie Picache.

Source: Taliba