Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong, Antoinette Taus naghahalikan sa video

Author: Chan-Chan Torres
Column: Eksenadora

KINUNAN ng Showbiz News Ngayon (SNN) ang pahayag ni Karylle tungkol sa isang video nina Dingdong Dantes at ex- girlfriend nitong si Antoinette Taus.

Naghahalikan ang dalawa sa video at very sweet sa isa't isa.

'Yun nga lang, halatang luma na ang video at tipong binuhay lang ito ng nagkalat na walang magawa.

Sa panayam kay Karylle, tinanong ang singer kung ano ang reaksyon niya sa na-sabing video.

Wala raw siyang reaksyon at wala na rin siyang kinalaman sa mga ganyang intriga.

Tinanong din ang dalaga kung ito ba ang video na naging dahilan ng umano'y pag-hihiwalay nila noon ni Dingdong.

Mariing pinabulaan ng dalaga ang balita.

Sinabi niyang walang kinalaman si Antoinette at ang video na 'yun sa nangyaring hiwalayan nila ni Dingdong.

Ayaw na rin umano ni Karylle na magkaroon pa ng kahit anong kaugnayan sa aktor.

* * *

HINDI naman kay Antoinette na-bother si Karylle, kundi kay Marian Rivera.

Pero sa ngayon, nakapag-move on na raw si Karylle.

In fairness din kay Dingdong, maligaya na rin ito sa piling ni Marian at sa kabi-kabilang endorsements.

Speaking of Karylle, hindi namin knows kung tuloy ang panliligaw ni Jericho Rosales sa kanya.

Pero komento ng iba, pilit naman daw ang pagli-link sa dalawa.

* * *

HINDI totoo ang mga balitang lumabas na nag-iinarte na raw si Janelle Jamer at ayaw na nitong mag-guest sa Wowowee.

Mariin itong itinanggi ni Janelle.

Nang makausap namin ang singer /TV host, agad naming itinanong sa kanya kung okey lang bang mag-guest siya sa na-sabing noontime show.

"Walang problema sa akin. Doon ako nanggaling at nakilala. Marami akong naging kaibigan doon," sabi ni Janelle.

Dagdag pa niya, 'pag inimbita siya na mag-host o mag-perform hindi raw niya ito tatanggihan.

In fairness, hindi naman nagyayabang si Janelle.

Madalas nga niyang sinasabi na malaki ang utang na loob niya sa Wowowee.

Sa show na ito raw siya talagang natutong mag-host at mag-perform.

* * *

TINANGGAP na ni Piolo Pascual ang hamon sa kanya ni Richard Gutierrez.

Magkasama ngayon sina Piolo at KC Concepcion sa isang proyekto at tila nagpaubaya na si Chard.

Sinabi na nitong sana ay alagaan daw ng aktor si KC.

May ganoong emote si Richard.

May konting kirot kaya sa puso ng binata?

Si Richard ay kasalukuyang nagti-taping din ng Zorro for GMA-7 kasama ang tatlong leading ladies.

Agad namang sinabi ni PJ (tawag kay Piolo) na kahit hindi raw siya sabihan ay talagang aalagaan niya si KC.

Alam naman daw ni Piolo ang responsibi-lidad niya bilang kaibi-gan at leading man kaya hindi niya papabayaan ang dalaga.

Source: Taliba