Apr 25
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong Dantes, Antoinette Taus 'nagsasama' sa isang building sa Ortigas

Author: Joey Sarmiento
Column: Watsup

DALAWANG beses na-ming nakita si Dingdong Dantes sa isang building sa Ortigas kung saan din namin nakita noon si Antoinette Taus na huma-hangos sa paglabas ng main door.

Tinext namin si Dong at aming biniro. Sabi na-min sa text, mukhang may unit silang dalawa ni Toni sa building na 'yon.

'Yon pala, dentista ang kanilang pinupuntahan sa building na 'yon.

Binanggit sa amin ni Toni na nagpalinis siya ng ngi-pin du'n at may pinapagawa naman si Dong sa kanyang dentist.

Hmmm.... pati pala sa dentista, nagse-share si-na Dong at Toni hanggang ngayon. Hindi kaya si Toni ang tooth fairy ni Dingdong?

* * *

MAAGANG nagbakas-yon ang Focus management dahil three days before Christmas ay nag-holiday na ang Focus matriarch kasama ang kanyang mga anak. Pero, days before Joy Can-cion's much deserved Christmas vacation, gina-nap ang fans day ng Sex Bomb sa Robinson's Fairview .

Kuwento sa amin ng mga friends naming pre-sent sa araw na 'yon, halos umabot daw sa labas ng mall ang mga taong gustong makita at maki-pagsayawan sa Sex Bom-bers. Lalong lumakas ang sigawan ng mga tao nang makita nilang humahataw ng sayaw on stage si Ro-chelle Pangilinan.

Ibig sabihin lang nu'n, hit pa rin talaga ang girls ng Sex Bomb kahit na maraming girly groups na nagsusulputan ngayon.

* * *

KUNG hindi mae-edit out ang New Year's episode ng Juicy ng TV5, baka mapaiyak na naman si Ma-rian Rivera kapag napanood ito.

Nag-invite kasi ng selected entertainment reporters ang Juicy at pi-nag-usapan ang The Most Juiciest of everything sa showbiz, pero sa isang table, naka-focus ang usapan sa The Most Nega Star as in negative sa showbiz. And hands down, your guess is as good as ours dahil si Ma-rian Rivera ang nag-iisang star na itinuro ng movie scribes.

Hindi lang natapos sa table na 'yon ang usapan dahil on camera, dinala pa ng mga kapatid sa pa-nulat ang topic na 'yon na talagang ikinagulat ng dalawang hosts na sina Alex Gonzaga and IC Mendoza.

Maglalakas-loob pa kayang mag-watch ng Juicy si Marian ngayong Bagong Taon?

* * *

KUNG tinipid ang prizes at pinili raw ang mga bi-nigyan ng raffled items sa pa-Christmas party ng GMA-7 sa entertainment press, kabaligtaran naman ang nangyari sa Philippine Movie Press Club (PMPC)Christmas party dahil hindi lang binaha ng pa-raffle ang mga kapatid sa panulat kungdi literal na hindi mabuhat nang bawat isa ang mga napa-nalunan sa bigat ng appliance at sa rami.

Limang beses umikot ang pa-raffle dahil sa rami ng gifts na galing sa friends sa industry kaya naman umuwing naka-ngiti ang lahat ng members ng PMPC pagkatapos ng masaganang dinner sa Rustica Restaurant sa Kyusi.

Congratulations nga pala sa nagwagi ng major prize na napakalaking flat screen TV na si Mell Navarro. Kung ikakabit niya ito sa wall ng kanilang ba-hay sa Malabon, siguradong maga-ala SM cinema ito sa laki ng screen, hendehvah, ate Mel?

Balato naman di-yan...joke!!!

* * *

FOR reactions please e mail mediatouch2000 @yahoo. com.

Source: Taliba