Dingdong Dantes: 'I'm always for the truth' Author: Patty Ramirez Hindi naiwasan ni Dingdong Dantes na matanong sa isang event na kanyang dinaluhan tungkol sa nagaganap na awayan sa pagitan ng kanyang ex-girlfriend na si Karylle at ka-love team na si Marian Rivera. Iwas ang aktor na magsalita na tungkol sa isyu na ito. "As much as possible I don't want to get in the middle of everything. Pero siyempre, ang sa akin lang I'm always for the truth and the truth will set you free." Sa tanong naman na kung buntis nga ba talaga si Marian Rivera ay tumangi na rin itong magbigay ng pahayag. "Sinagot na niya (Marian) 'yon. I don't want to get into that anymore," maikling tugon ni Dingdong. I-diniscribe na lamang ni Dingdong ang estado ng relasyon niya sa kanyang ka-love team. "Ang sabi ko naman sa kanya, we're always here for the truth. Andito ako sa likod mo. 'Yung sa amin maganda siya kasi maganda yung sinimulan and I'm hoping na maganda rin ang pupuntahan." As for his ex-girlfriend, wala na raw siyang communication dito lalo pa't busy si Karylle sa mga projects niya sa Kapamilya network. Ayaw man niyang magbigay ng mensahe kay Karylle, sinabi na lang nito na sa tingin niya ay okay naman na sila. "I would like to believe we're okay. And para sa akin okay na 'yun." Source: ABS-CBN Interactive |