Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong Dantes, Marian Rivera and Will Devaughn love triangle

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

LALONG nag-bloom ang beauty ni Marian Rivera nang makabakasyon siya matapos ang tapings ng soap niya sa GMA7 titled Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

Humanga kami sa shi-ning beauty niya nang mapanood namin siyang rumampa with Will De-vaughn sa fashion show ng Jag Black Magic show sa Atrium ng Mall of Asia last Friday night.

Super-sexy at ang ganda-ganda ngayon ni Ma-rian. Panay kasi ang exercise niya, pagte-training at enough beauty rest bilang paghahanda sa kanyang bagong assignment sa Kapuso network, ang Darna.

Nang iniabot ni Will Devaughn ang bouquet kay Marian, natameme ang binata. Halatang labis na humanga sa magnetic beauty at kaseksihan ng co-endorser ng Jag Black. Kaya nang hu-miyaw ang fans ng "kiss" nakatulala lang si Will habang iniaabot ang flo-wers kay Marian.

By the way, hindi lang hit sina Marian at Will bilang endorsers ng Jag Black print at commercial ads, maging sa movie ay napakalakas din ang appeal nila bilang magka-tandem. Napatunayan ito sa Desperadas 1 and 2 kung saan sila ang magka-love interest. Kung wala si Dingdong Dantes sa buhay ni Marian, ma-develop kaya sila sa isa't isa? Tanong ng marami. Nagkataon pang loveless ngayon si Will dahil nagkakalabuan sila ng girlfriend na si Rizza Santos mula nang umuwi ang dalaga sa Canada. May nagbulong sa amin na malapit nang ma-buo ang isang mainit na love triangle sa pagitan nina Dingdong Dantes, Marian at Will.

Samantala, obvious na mayroon nang superstar status si Marian. Kasi, nang rumampa siya ay naghiya-wan talaga ang bu-ong audience kahit marami ring kasing ganda ni Marian sa mga modelo ng Jag Black. May models pa ngang galing sa South America tulad ni Arianna Barouk na taga-Cuba. Si Ms. Barouk ang nag-represent ng Cuba sa Miss Earth 2007.

Rumampa rin ang mga kababayan ng Brazilian na si Daiana ng Eat Bu-laga. Pero, iba talaga ang appeal ni Marian habang nakasuot ng Jag Black jeans, super-sexy at super-ganda siyang mag-dala ng jeans.

* * *

DAHIL sa walang hum-pay na suporta mula sa mga manonood, patuloy ang tinatamasang tagumpay ng ikatlong summer special ng Dear Friend, ang Madrasta na pinagbibidahan nina Iwa Moto at Yasmien Kurdi.

Base sa overnight ra-tings ng AGB Nielsen Phi-lippines, muling nanguna ang part 2 episode ng Madrasta matapos maka-pagtala ng 12. 6 percent rating last Sunday (May 24).

Pinangungunahan ng dalawa sa drama princes-ses ng GMA7 na sina Iwa Moto (Gellie) at Yasmien Kurdi (Sheila), ang ba-gong season na ito ay umiikot sa kuwento ng isang pamilya kung saan si Iwa ang gumaganap na madrasta ni Yasmien.

* * *

SIGURADONG maaaliw ang televiewers mula Lu-nes hanggang Biyernes dahil ang kuwelang late night show na Jojo A All The Way! ay mapapano-od na sa TV5.

Hosted by veteran host/comedian Jojo Alejar, pinaghalu-halong co-medy, informative, spoof, at satire ang hatid ng pinakabagong late night show ng TV5 kung saan tatalakayin ang everyday news and issues in a light and witty way.

Sa pilot episode nga-yong Lunes, ang unang makakaharap ni Jojo A ay si Dingdong Dantes, na magu-all the way sa gi-sahan interview portion kasama ang David Letterman ng Philippine TV. Kaabang-abang ang mai-intrigang tanong na haharapin ni Dingdong ka-sama na rin ang all-the- way na kulitan nila ni Jojo A.

* * *

NANGILID ang luha ng mother ni Katrina Halili nang ma-meet personally si Sen. Bong Revilla. Laking pasasalamat ng mother ni Kat kay Sen. Bong dahil sa pagtulong na ginagawa ng butihing senador kay Katrina laban sa dati niyang boyfriend na si Hayden Kho. Anyway, tuluy-tuloy pa ring mapapanood ang Kap's Amazing Stories ni Sen. Bong pagkatapos ng Showbiz Central. Itinampok kahapon ang mga hayop na kinatatakutan sa dilim.

* * *

NASA Japan ngayon si Chris Tiu para sa invitational games na sasalihan ng Team Philippines sa Basketball.

Pero, bago siya umalis ng Pilipinas last week ay nakapag-taping siya ng isang buwang episodes ng Ripley's Believe It Or Not. Ngayong Monday sa Ripley's ay maniniwala ka bang isang lalaking paboritong kai-nin ay mga buhay na uod at insekto?

Source: Taliba