Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong Dantes begins autograph signing for his bookazine

"Because I believe, I still have more to do for me to do a biography. At this point and at this stage, I think I shouldn't do that first. Marami pa akong gustong gawin, marami pa akong kailangang gawin," replies Dingdong Dantes when asked why he came out

Author: Rose Garcia

Medyo long-delayed na ang book signing ni Dingdong Dantes para sa kanyang bookazine--ang YES Life Stories: Dingdong ng Summit Media. The bookazine features the actor's dreams, realities, and fantasies.

Lumipas na halos ang isang buwan bago nagkaroon ng pagkakataon si Dingdong na makakuha ng schedules for a series of book-signing activities na nagsimula kahapon, October 11, sa National Bookstore sa TriNoMa Mall sa Quezon City.

Ang bookazine ni Dingdong ay hindi isang biography, na ipinaliwanag niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press na nag-cover ng kanyang book signing.

"It is more of a compilation of how I was raised. Bakit ako ganito? Mga tipong ganoong klase ng information. This is not a biography. Hindi siya yung isang bagay na compilation ng mga ginawa ko from the start until now. This information only covers certain time, certain highlights, hindi ibig sabihin na lahat na," paglilinaw ni Dingdong.

Bakit nga ba hindi autobiography ang ipinagawa niya?

"Because I believe, I still have more to do for me to do a biography. At this point and at this stage, I think I shouldn't do that first. Marami pa akong gustong gawin, marami pa akong kailangang gawin.

"I know there's still more room for improvement. More things to come at gusto ko, kapag gumawa ako ng autobiography, na-attain ko na ang lahat ng kailangan kong gawin. At alam ko na papunta pa lang ako dun," sagot ng aktor.

Bukod sa ilang facts na nakasaad sa bookazine, ang mga pictorial na makikita rito ay talaga namang must-see and must-have, lalo na para sa mga sumusuporta kay Dingdong sa simula pa lang. Halos lahat ng concept ng pictorial niya ay maganda. But when we asked Dingdong about it, he said na ang vampire pictorial daw niya with Jay Tablante ang isa sa pinaka-nagustuhan niya.

"Ang favorite ko yung vampire photo shoot. But of course, yung ranch shot, pati yung kay Raymond Lontok na Jesus Christ. Yung vampire kasi, bata pa lang ako, pinangarap ko na 'yan. Meron tayong tinatawag na recurring dream, e. Kahit gaano ka kabata hanggang paglaki mo, palagi mong napapanaginipan," lahad ni Dingdong.

Bakit hindi si Marian Rivera ang naisip niyang maging ka-partner sa vampire photo shoot?

"E, siyempre, hindi ko naman siya papayagan sa ganoong shoot," nakangiting sabi ni Dingdong. "Siyempre, may call ako because it's my bookazine. Pero kung sarili niyang photo shoot, hindi ko na call yun. E, nandito ako, call ko 'to."

May pictorial din daw si Marian sa isang magazine na medyo daring. Sinadya raw yatang hindi ipakita yun sa kanya ni Marian. Totoo ba ito?

"Hindi ko nga nakita yun," sabi ni Dingdong. "Siguro naman, kilala niya ako. Kapag ganun, hindi ko na kailangang makita yung mga ganoong magazine, but I would like to appreciate her in those magazines. Nagkataon lang na hindi ko pa nakikita."

Pag ganun ba, hinihingi rin ni Marian ang advice niya?

"Wala... wala," nakangiting sabi ni Dingdong.

Nagpapasalamat naman si Dingdong sa mga nagtiyagang pumila, at higit sa lahat, tumangkilik ng kanyang bookazine.

"Nagpapasalamat ako. Itong bookazine na ito, in fact, one thing that I would like to share, it contains information, details na hindi naman or wala namang kinalaman sa showbiz. But it talks more about myself at kung sino talaga ako and more of the reason why I'm here right now. So, I hope, even in small ways, I can inspire them."

Ilang oras din inabot ang unang book signing niya kahapon. Sa October 17, from 3 to 6 p.m. ay nasa Powerbooks Greenbelt 4 naman si Dingdong, and on October 24, from 3 to 5 p.m., nasa National Bookstore siya sa Mall of Asia.

SCHOOL REBUILDING. Sa book signing ni Dingdong for his bookazine, walang kamalay-malay ang aktor at obvious ang pagka-surprise niya nang pagkatapos siyang tawagin ay isinunod namang tinawag ng host ang mismong may-ari ng National Bookstore na si Mrs. Socorro Ramos.

Ipinahayag ni Mrs. Ramos na ang National Bookstore ay magkakaloob ng limang libong school supplies para sa Yes Pinoy Foundation. Tuwang-tuwa si Dingdong sa naturang surpresa at lubos-lubos ang naging pasasalamat nito kay Mrs. Ramos.

Source: Philippine Entertainment Portal