Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong Dantes clarifies that he was not paid to endorse Noynoy Aquino for president

Dingdong Dantes clarifies that he was not paid to endorse Noynoy Aquino for president

Author: Arniel Serato

Noong huling nakausap ng ABS-CBN.com si Kris Aquino sa ginanap na launching ng kanyang bagong endorsement tungkol sa iwas lamok campaign, sinabi ng Queen of All Media na isa sa mga kakausapin nila para mag-endorso sa kapatid niyang si Sen. Noynoy Aquino sa presidential bid nito ay si Dingdong Dantes. Matatandaang malaki ang impact ng pagiging vocal ni Dingdong sa pagsasabing idolo niya ang namayapang ama ni Kris na si Ninoy.

Nang nakapanayam ng ABS-CBN.com si Dingdong sa isang event, naikuwento nitong nagkausap na sila ng pamilya Aquino. " Nag-kausap na kami, but pagdating sa detalye kung paano gagawin at kung ano eh wala pang (napa-finalize). But the thing is naniniwala ako at ang grupo ko sa advocacy nila." Hindi rin daw makakaapekto ang kanyang kaugnayan niya kay Noynoy sa kanyang pagiging artista maging sa iba pa niyang work commitments. "One thing is for sure, I think everyone should be involved in making a change."

Nilinaw din ng aktor na hindi 'endorsement' ang term na gusto niyang itawag sa kanyang gagawing pangangampanya para kay Noynoy, kundi simpleng 'suporta' lamang. " Pagdating sa endorsement, hindi naman siya solid product (para tawagin nating ganun). Kasi when you say endorsement para mo nang sinabi na parang kinuha ako at binayaran ako. Hindi ganun eh. Like what I've said, it is more of I believe in his advocacy." Sa ngayon ay hindi pa rin klaro kung gagawa ba si Dingdong ng infomercials at kung makikita din siya sa gagawing campaign rallies ni Noynoy.

Bukod kay Noynoy, balak din niyang suportahan ang iba pang kakilala niyang sasabak din sa pulitika. " Marami rin akong kaibigan na tatakbo sa darating na eleksyon. Sila yung pinaniniwalaan ko na makakapaglingkod ng mabuti sa ating bayan so of course susuportahan ko rin sila," dagdag pa niya.

Source: ABS-CBN Interactive