|
|
| Dingdong Dantes defends Rhian Ramos role on Andong AgimatAuthor: Erick Mataverde Ang pagmamahal ay walang pinipiling panahon. At sa istorya ni Cholo at Jodi sa Stairway to Heaven, inamin ni Dingdong Dantes na ibang klaseng love story ito at langit lang talaga ang hangganan. "Extreme ito. Parang nung umpisa doon ako nahirapan. Kasi kumbaga it all starts at the peak of the love story. So parang, out of nowhere the couple should be very much in-love, so mahirap," paliwanang ni Dingdong nang bisitahin siya ng iGMA sa set ng Stairway To Heaven. "Mabuti na lang, along the way, sa kalagitnaan, mayroong ulit 'getting-to-know process'. So it becomes more realistic. Kasi nagiging light na siya ulit, kasi andun 'yung naguumpisa ulit," idinagdag niya. At personally, naging saksi nga kami sa mga pinag-uusapang mga eksena nina Cholo at Jodi, played by Rhian Ramos. Eventually, babalik na ang alaala ni Jodi na siguradong dadagdag pa sa interes ng mga viewers upang sundan ang istorya. "Ako naniniwala ako, kasi pati kami na-e-excite sa istorya eh. So it is a good sign that even us within the set, we are very enthusiastic about what we are doing," patuloy ni Dingdong. "Kumbaga may paniniwala kami sa sarili naming produkto. So it should start from there." Tinanong din namin kay Dingdong kung ano ang naging reaksyon niya sa pagsusuri ng GMA Network sa kanilang program analysis na siya ang pangunahing rason kung bakit ang Stairway To Heaven ay umaani ng matataas na ratings. "'Yun nga eh. Nung malaman ko 'yun, tinayuan ako ng balahibo. I have been in the network for so many years, and it is only the first time that I really got this heavy, heavy task on my back. And, sa totoo lang, hindi ko naisip na ganun kalaki talaga ang expectation," tugon niya. "So I went through it na parang hindi ko iniisip 'yun. And along the way, I grew together with the story. So kumbaga na-attach ako on how Cholo would think, and how Cholo would do things. Mahalin mo lang talaga 'yung character mo. 'Yun lang, pag-uwi mo, alamin mo kung papaano ako magsa-shutdown," paliwanag pa niya. Inamin naman ni Dingdong na sadyang hindi niya tinapos panoorin ang original Stairway To Heaven para masiguradong sariling-sarili niya ang pagganap kay Cholo. Ngunit of course, aware din naman si Dingdong na ang original story ang reason kung bakit inaabangan ng mga manonood ang Pinoy version. Though he stressed na very open pa rin naman siya sa ano mang pagbabago. "Sabi ng GMA, 'We will stick to the story 90%.' So far, we have been 100% loyal to the story," ang deklara ni Dingdong. "So may 10% pa silang aabangan." Sa mga intriga naman kung bakit si Rhian ang napipisil pa rin maging leading lady niya sa susunod niyang pelikula, kaagad naman itong pinaliwanagan ni Dingdong. "Unang-una kailangan alamin muna nila kung ano ba ang istorya ng Andong Agimat," sagot niya . "[Pero] ayaw ko munang magkuwento hangga't wala pa namang official announcement ang producers. Alamin muna nila kung what it is about, and kung why. 'Yun 'yun eh." Don't miss the intense love story of Cholo and Jodi in Stairway To Heaven, weeknights sa GMA Telebabad. Source: GMANews |