|
|
| Dingdong Dantes 'di apektado ng bad publicities kay MarianAuthor: Tonee Coraza KINAILANGANG umuwi na ni Piolo Pascual pag-katapos ng dalawang linggong pagbabakasyon sa U. S. para sa promo ng Love Me Again na ipapalabas na sa Jan. 15. Pero, kahit bitin ang bakasyon niya ay masa-ya na rin daw siya dahil kanyang nakapiling ang 11-year-old son na si Iñigo na hanggang balikat na raw niya ang tangkad ngayon. Pumunta raw sila sa Magic Mountain at nag-snowboarding sila roon. Nagkaroon din daw si-ya ng pagkakataong manood ng ilang Hollywood movies tulad ng Yes Man, Bedtime Stories at The Curious Case of Benja-min Button. Nakapag-relax din daw siya nang husto dahil 10 hours lagi ang tulog niya. Natutuwa siya na ngayong nasa Pilipinas na siya ulit ay naisipan din ng mommy niya na umuwi sa bansa para ma-kapiling siya sa kanyang 32nd birthday sa Jan. 12 at sa Philippine premiere ng Love Me Again sa Jan. 12 sa Megamall. Nanghihinayang lang kami at natanggal pala ang love scene nila ni Angel Locsin sa movie dahil masyado raw steamy 'yon for MTRCB standards. Although kinunan ito in shadows kitang-kita pa rin daw ang body form ni Angel na naka-nude. "We showed some skin and it's too acrobatic daw kaya we have to edit some parts pa-ra hindi ito ma-R-18,"paha-yag ni Direk Rory Quintos na hindi naitago ang disappointment. Hopefully, mapapanood ang director's cut ng Love Me Again sa DVD kung saan buung-buong ipapakita ang controversial lovescene nina Angel at Piolo. * * * MABUTI naman at muk-hang hindi apektado si Dingdong Dantes sa bad press releases na ibinabato sa ka-loveteam niyang si Marian Rivera, dahil tuluy-tuloy pa rin ang kanyang magagandang pro-jects nga-yong 2009. Siya ang latest endorser ng Goldilocks Bakeshop and Restaurant after Kris Aquino. Ayon kay Pinky Yee ng Goldilocks si Dingdong ang kinuha nila, kasi napaka-wide daw ng appeal ng aktor, topping nearly all socio-demographics, na ang ibig sabihin lang ma-babae o ma-lalaki, matanda man o ba-ta, naniniwala kay Dingdong bilang isang effective celebrity endorser. May ginawa nang TV commercial for Goldilocks si Dingdong na mapapanood na sa lahat ng TV channels. Sa sobrang cute ni Dingdong sa naturang TVC ay parang gusto mo siyang lalong i-hug at i-kiss. Wish lang naming magkaroon sila ng TVC ni Kris para bongga. Nagulat si Dingdong nang malaman niya na nandoon din ang kanyang ex-GF na si Karylle nang tanghaling 'yon sa kabilang function room ng EDSA Shanggi La para sa isang event naman ng ABS-CBN. Hindi raw sila nagkita ni Karylle at lalong wala silang usapan na magmi-meet doon, salag ni Dingdong. Anyway, may separate lives na raw sila nga-yon ni Karylle kaya labas na rin daw siya kung may bagong suitors man nga-yon ang kanyang 'ex' like sina Jericho Rosales at Christian Bautista. "I wish she'll be happy!" wika ni Dingdong. Sa usapin naman na kung magkakaroon ba si-ya ng bagong karelasyon ngayong 2009, isang nakalolokang ngiti ang pina-kawalan ni Dingdong sabay sabing: "I'm not clo-sing any door for a new relationship. Nararamdaman ko na nandiyan lang 'yong bago kong ma-mahalin sa tabi-tabi!" Of course, hindi na niya binanggit kung sino ang tinutukoy niya, but our guess is as good as everybody's! Source: Taliba |