Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong Dantes, 'di tatanggapin ni Karylle

Author: Tonee Coraza
Column: Whatever

IBANG Karylle na ang humarap sa press people nang bigyan siya ng solo presscon ng ABS-CBN pagkatapos niyang pumirma ng exclusive contract sa Kapa-milya network.

Maaliwalas na ang kanyang mukha. Unat na ang kanyang buhok. Naging sexy nang husto. Sa kabuuan, nag-iba ang kanyang image. Na-ging complete star na si Karylle sa paningin ng lahat. Pero, ang pinaka-significant ay ready na siyang sagutin ang mga katanungan ng entertainment reporters.

"There was a time that I was afraid to face the press. Pero dahil sa tulong ng mga kaibi-gan ko who helped me cope with my problem, nalampasan ko rin ang pagsubok na ito sa aking buhay. I realized that everything happens for a reason.

"Now, I could say that the pain is totally gone. Kasi I faced the problem head on. Ti-nanggap ko kagad ang nangyari sa amin ni Dingdong (Dantes). Wala na 'yung stage of denial. Kaya siguro ma-dali lang akong naka-recover," pahayag ni Ka-rylle.

Naging maganda ang grand welcome sa kanya ng ASAP '08 nitong Sunday. Isang special number ang ginawa niya with mom Zsa Zsa Padilla. Nagkaroon din ng production number with the heartthrobs, Piolo Pascual and Sam Milby.

Sa totoo lang, ang da-ming projects na naka-line-up for Karylle nga-yon. Nandiyan 'yong ga-gawin niyang weekly dra-ma na Maruja with Kristine Hermosa.

Naghahanda na rin si-ya para sa recording contract with EMI Records.

Ang ta-nong ngayon, papaano kung isang araw ay maisipan ni Dingdong na bumalik sa kanya? Tatanggapin ba niya ulit ang aktor?

"Huwag na lang. It's really time to move on. Kasi, we really tried to make it work noon, pero wala talaga. But we remain friends naman. Nag-uusap rin kami and we're still business partners. Nakatutuwa nga dahil very successful ang Centerstage bar namin. Fully booked kami this Christmas season," tu-gon ni Karylle.

* * *

IN full swing na, in terms of promo and publicity, ang MMFF entry ng Viva Films na Baler in coope-ration with PAGCOR.

Nagkaroon sila ng grand presscon kung sa-an in attendance ang halos lahat ng cast ng mo-vie headed by Anne Curtis and Jericho Rosales. Natutuwa kami dahil kasama rito si Phillip Salvador. Senyales na ito ng pagbabalik niya sa peli-kula. At bilang pampasuwerte, nanguna siya sa pagbibigay ng pa-raffle sa press na P5 thou in cash.

Walang umuwing luhaan sa press people na dumalo sa grand presscon ng Baler kasi, may additional 'Pamasko' from PAGCOR na cash at Noche Buena grocery basket. Kaya good karma sila ngayong Pasko.

Source: Taliba