| | Dingdong Dantes' fantasies revealed in 'bookazine'Author: Fidel Jimenez Column: Entertainment Bukod sa ipalalabas na birthday special niya sa GMA 7 sa Linggo, excited si Dingdong Dantes sa isa pa niyang proyekto - ang kauna-unahang book and magazine in one na tinawag na "bookazine."
Si Dingdong ang kauna-unahang aktor na lalabas sa naturang babasahin kung saan isiniwalat ng aktor ang kanyang mga hangarin, saloobin at pati na mga "pantasya."
Sa ulat ni entertainment reporter Audrey Carampel, sinabi nito na maituturing ang "bookazine" ang print version ng birthday special ng hunk actor sa GMA 7 na "Dantes Peak."
"Dito (sa bookazine) naman makikita nila yung mga things that hindi nila parating nakikita. Kumbaga ano ang nangyayari sa loob ng utak ko, ano yung dreams ko, fantasies," kuwento ng aktor sa Chike Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules.
Ayon kay Jo-Ann Maglipon, editor-in-chief ng Yes! Life Stories, napili si Dingdong bilang unang subject ng "bookazine" dahil bukod sa kanyang pagiging malaking artista ay mabuti itong tao.
"Dingdong is our choice both for rational reasons and instinctive reasons. Rationally he is very big...on the instinctive side I will have to say that I honestly believe this is a good person," pahayag ni Maglipon.
This page requires a higher version browser
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
Makikita sa "bookazine" ang ilang larawan ni Dingdong na siya mismo ang nag-conceptualize. Kabilang dito ang paggaya niya sa mga idolong superheroes katulad ni Superman. Nag-ala-bodyguard din ang aktor, piloto, at vampire.
Mayroon din mga panayam sa mga taong malapit sa kanya, kabilang ang napapabalitang nobya nito na si Marian Rivera.
Samantala, ipalalabas na sa Linggo ang inaabangang birthday special ni Dingdong na "Dantes' Peak," na magpapakita ng mga mahahalagang bagay tungkol sa isa sa mga pinakaabalang aktor ngayon sa bansa.
May dance number sa special si Dingdong at mga performances kasama ang mga malalapit niyang kaibigan sa industriya.
Kasabay nito, ilulunsad din ni Dingdong ang sarili nitong foundation na ang "Yes Pinoy Foundation," kung saan ang magiging recipient ay mga anak ng mga sundalo na nasawi sa digmaan.
Dapat din daw abangan ang number nila ni Marian na isa sa mga highlight ng kanyang birthday special, ayon na mismo sa aktor. Source: GMANews |
|