|
|
| Dingdong Dantes gaganap na makabagong ZumaAuthor: John Fontanilla Dingdong Dantes gaganap sa papel ng kinatatakutang monster sa komiks na sinubaybayan ng libu-libong readers noon. Naging hit sa takilya ang Zuma nang isapelikula ito noong late '70s. At sa pagbabalik ni Zuma sa pelikula sa makabagong he-nerasyon, balak ng actor /producer na si Carlo Maceda na kuning Zuma ang bida sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang na si Dingdong Dantes. Nagkausap na sina Carlo at Dingdong at interesado naman ang huli sa project. This year daw balak isapelikula ni Carlo at Dindong ang Zuma. * * * ISANG international model nang maituturing ang GMAAC star at isa sa cast ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang na si Joy Velasco. Isang big Japanese company ang kumuha sa kanya para maging image model ng kanilang produkto, from beauty products, gowns, atbp. na mabibili sa Biijin Labo Japanese boutique/beauty clinic na matatagpuan sa No. 826 Pasay Road, Makati City na pag-aari ni Joan Baylon. Isang big launching daw ang magaganap one of these days sa isa sa top-rating shows ng GMA7 para i-announce ang pagiging image model ni Joy ng Biijin Labo kasabay ang paglabas ng naglalakihang billboards niya sa kahabaan ng EDSA. Si Joy din ang gustong maging image model ng mga produkto ng Biijin Labo sa iba`t ibang bahagi ng mundo mula sa Indonesia, Singapore, Malaysia, Amerika at Japan kung saan nag-originate ang Biijin Labo. Kaya naman sabi namin, umpisa na ng pagiging international model ng young star na si Joy. Source: Taliba |