|
|
| Dingdong Dantes gives back to the Marines with YES Pinoy Foundation![]() Author: Rose Garcia Isang bonggang special na pinamagatang Dantes Peak ang ibinigay na opportunity ng GMA-7 kay Dingdong Dantes, isa sa kanilang prime artist and the world's 3rd sexiest man alive, according to E! Entertainment Television. Sa naturang special na ipapalabas sa Sunday Night Box Office sa Linggo, August 30, dalawang bagay na malapit sa puso ni Dingdong ang ilo-launch niya. Ang bookazine na YES! Life Stories, na mabibili na ngayon, that feature Dong in his rare photo shoots, and some revealing anecdotes about him from his closest friends and from himself. Ang ikalawa ay ang YES Pinoy Foundation na kung may ilang buwan na ring pinagkakaabalahan ni Dingdong na mabuo. Masaya nga raw siya sa opportunity na ibinigay sa kanya ng network dahil magiging daan ang special niya para maging aware ang mga tao. "Kung sinuman ang willing na makatulong for this kind of cause, at least, aware sila." Lingid sa kaalaman ng marami, matagal nang tumutulong at nagpapaaral nang libre si Dingdong at may mga estudyante na siyang napa-graduate dahil education talaga ang advocacy niya, but it's something na personal sa kanya at hindi pinapaanunsiyo. It is only this time that he has put up a foundation dahil sa palagay niya, mas marami pang makakatulong sa advocacy niya kung mas marami ang nakakaalam. Is he the only one who will choose kung sino ang mga beneficiary? "Siyempre, dumadaan siya sa mga committee para suriin kung sino ang mga karapat-dapat, but most importantly, this is the opportunity na we plan to provide and it's very exciting." GIVING BACK TO THE MARINES. Bakit niya naisip na anak ng mga Marino ang isa sa maging beneficiary ng YES Pinoy Foundation? "Well, for one kasi, close ako sa Marines and at the same time, advocacy ko kasi ang education ever since. So it is really a perfect combination to give a chance sa mga naiwanan at namatayang pamilya." Sa ngayon daw, everything is being processed regarding mga events or projects ng foundation. Mag-a-announce na lang daw siya sa mga posibleng mangyari through a website which is still being constructed. Why did he choose the name YES Pinoy Foundation? "I want a name that is positive. A name when you hear it, may recall at maa-associate mo ru'n sa akin, my advocacy, which is youth education. So, it is a sort of a battle cry also. And it's a way of saying yes to everything, yes to opportunity. Yes!" Hindi naman siya connected sa Yes! magazine? "Ah, wala, wala! In fact, kahit tanungin n'yo ang Yes!, si Ma'am Jo-Ann Maglipon, hindi ko nasabi sa kanya. Ngayon ko pa nga lang sasabihin sa kanya na, Ma'am, hindi ko nasabi sa inyo," natatawa niyang sabi. Posibleng i-connect ng mga tao na baka eventually, papasok din pala siya sa pulitika? "Well, e, di sana inilagay ko ang pangalan ko d'yan, di ba? Pero hindi, e. Malalaman naman nila 'yan, e. The intention is pure and sincere at hindi dapat bahiran ng iba pa man." SPECIAL DANCE NUMBER. Hindi naman nakaiwas sa pansin ng ilang piling entertainment press na nasa Dantes Peak ang number nila ni Marian Rivera kunsaan sasayaw sila to "Can You Read My Mind," theme song ng pelikulang Superman. Ano raw ang nasa isip niya habang ginagawa nila 'yong number? "Wala naman... may ano lang, e, maganda lang ang kanta. Actually, kung ano ang nasa mind niya. Song ng babae 'yun, e." Source: Philippine Entertainment Portal |