|
|
| Dingdong Dantes insecure na kay GeoffAuthor: Tonee Coraza NAGDEDMAHAN sina Snooky Serna at Direk Joel Lamangan sa premiere night ng Bente na ginawa sa Podium nitong Huwebes ng gabi. Kung matatandaan, nagkaroon ng hindi pag-kakaunawaan ang dalawa nang sinabun-sabon ni Direk Joel si Snooky sa harapan ng maraming tao nang dumating nang late ang aktres sa shooting ng indie film na Dukot. Napahiya nang husto si Kukay at kaagad si-yang "nagsumbong" sa friends niya sa Facebook tungkol sa kanyang humiliating experience with Direk Joel, na kilala sa pagkakaroon ng hot temper. Sa part naman ni Direk Joel, sumumpa raw ito na never na niyang ididirek ulit si Snooky. Pero, maliit nga lang ang mundo ng showbiz kaya hindi puwedeng hindi magkrus ang kanilang landas, tulad nga sa gabi ng premiere ng Bente. Pero ayon kay Kukay, hindi naman daw niya di-nedma si Direk Joel. Hindi lang daw niya ito napansin kasi madilim sa loob ng sinehan. Para sa kanya ay nakalimutan na raw niya ang sigalot kay Direk Joel at willing siyang batiin ito ulit. Ano naman kaya ang masasabi ni Direk Joel? * * * PINAGHANDAAN talaga ni Geoff Eigenmann ang role niya bilang Fer-nando Jose sa Pinoy version ng Rosalinda. Nag-gym siya at nag-diet kaya naman gumanda nang gusto ang hubog ng kanyang katawan. Expect daw na ma-dalas siyang mapapanood na shirtless sa Rosalinda. At abangan ang maiinit na kissing scenes nila ni Carla Abellana. Definitely raw ay happy siya sa pagbabalik-GMA and he will remain a Kapuso for three years dahil pumirma na siya ng exclusive contract sa said network. Wala raw siyang na-mi-miss na kapwa artista niya sa Dos, maliban na lang sa mga executive doon na naging close sa kanya. Ayaw din niyang pa-tulan ang isyung nai-insecure na sa kanya si Dingdong Dantes nga-yon dahil sa big breaks na ibinibigay sa kanya ng GMA-7. Magkapatid daw sila ni Dingdong dahil iisa lang ang kanilang mana-ger kaya hindi sila puwedeng intrigahin. * * * USUNG-USO talaga ang superheroes na pelikula. Kung sa States ay may Spiderman, Superman at X-Men, dito sa atin nan-diyan naman sina Lastikman, Darna at Captain Barbel. Aba, humihirit din ang bansang Malaysia dahil mayroon na rin silang su-perhero, si Lizardman. At tulad ni Clark Kent ng Superman movie, isa ring hard-hitting reporter ang persona ni Lizardman. Alamin kung paano niya nakuha ang powers ng isang butiki. Aba, humahaba ang kanyang dila at ito ang pinandidikit niya sa mga gusali habang hinahabol niya ang kanyang mga kalaban. Ang matinding maka-kalaban niya ay isang henyong gustong ga-wing itim ang tubig sa buong mundo. Sa July 22 na ito ipapalabas handog ng World Asia Film Exchange. * * * ABANGAN din ang back-to-back concert ng South Border at True Faith na gaganapin sa Skydome, SM North EDSA on August 7. Both bands are my favorite during the '90s, at marami pa rin silang fans hanggang ngayon kaya sigurado kaming dadagsain ang kanilang show. Source: Taliba |