|
|
| Dingdong Dantes kinampihan si Marian Rivera sa 'buntis isyu'Author: Joferd Nievera A paglutang ni Dingdong Dantes, ipinagtanggol niya si Marian Rivera sa maintri-gang ngiting pinakawalan ni Karylle hinggil sa pagbubuntis diumano ni Dyesebel. Sinabi ng aktor na alam niya ang totoo sa isyu kaya suportado niya si Marian. "Basta ako, alam ko naman ang totoo. Siyempre sa akin lang naman eh, I'm al-ways with the truth. Ika nga, the truth will set you free," makahulugang pahayag ni Dingdong. Pinili na ni Dingdong si Marian over Karylle nang sabihin ng aktor na: "Nasa likod mo (Marian) ako pa-lagi. " So, maliwanag pa sa si-kat ng araw na itsapuwera na talaga si Karylle sa puso ni Dong. * * * ISANG Katrina Halili na masaya at hindi nakitaan ng problema ang humarap sa Startalk nitong Sabado. Hindi bakas sa itsura ng aktres na may matindi si-yang problema dahil sa pag-kakadawit sa hiwalayan ng magkasintahang Dr. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho. Para hindi na lumaki ang isyu, minarapat na lang ni Katrina na huwag magsalita hinggil sa balitang siya ang dahilan ng break-up ng da-lawa, na sinasabing may hawak daw si Belo ng sex vi-deo ng seksi aktres at ni Hayden. "Wala akong masasabi. Ayaw kong palakihin pa ang isyu," paliwanag ng dating FHM sexiest woman. "Isa pa, nagkausap na kami ni Dr. Belo at okey na kami. " Niliwanag din ni Kat na sa kabila ng isyung may ugna-yan sila ni Hayden ay endor-ser pa rin daw siya ng Belo Medical Group. * * * HINDI lang pala si Katrina ang pinaghihinalaang dahilan ng hiwalayang Belo-Hayden. Maging si Rufa Mae Quinto ay itinuturo ng doktora na may lihim ding relas-yon sa kanyang actor/doctor boyfriend. Kaya gulat na gulat si Rufa Mae dahil never daw niyang naging manliligaw si Hayden. "Ano naman ang kina-laman ko sa kanila? Sigu-rado ba kayo na ako ang dahilan ng hiwalayan nila? Basta wala akong kinalaman dyan," asar na sabi ni Rufa Mae. Ayon kay Lolit Solis, dahil sa paghihiwalay nina Belo at Hayden, parang wal-king zombie na ang doktora. Sa sobrang lungkot daw, pa-rang wala nang laman ang utak nito para mag-isip nang matino. Kaya dapat lang daw na mag-Pasko nga sa Europe si Belo. Samantalang si Hayden naman na kasalukuyang na-sa ospital sa tangkang pagpapakamatay dahil sa dep-resyon, uuwi muna sa kani-lang bayan sa Marinduque paglabas sa pagamutan. Hay, naku, Belo, kung sinu-sino na lang na aktres ang idinadawit mo sa paghi-hiwalay ninyo ni Hayden. 'Baliw' na ang tawag sa iyo ngayon ng ilang taga-showbiz. Naisip tuloy namin ang role na ginagampanan ni Iza Calzado sa '08 MMFF entry na Desperadas 2 ng Regal Films kung saan mabaliw-baliw siya sa pagseselos sa doktor na asawang ginagampanan ni TJ Trinidad. Sa pelikula, tinangkang magpakamatay ni Iza dahil sa sobrang pagseselos sa mister. Source: Taliba |