|
|
| Dingdong Dantes on Marian Rivera: "She has seen the worst in me and still, she accepted me."![]() Author: Rose Garcia Nagkaroon ng pocket presscon kahapon, August 25, para sa "bookazine" ni Dingdong Dantes. Ang aktor ang kauna-unahang featured star ng YES! Life Stories mula sa Summit Media. Sa naturang presscon, na ginanap sa Belissimo Ristorante sa Tomas Morato, Quezon City, ipinaliwanag at ipinakilala ni Dingdong ang kanyang "bookazine." Tinanong si Dingdong kung detalyado ba ang nilalaman ng libro at may mga rebelasyon ba siya rito na ikabibigla ng mga magbabasa? "Siguro much more it's being detailed, e, mas ano siya... Kumbaga, mas intimate siya. Hindi lang yung pagsagot ko kundi pati na yung topic. Halimbawa, e, meron akong isang issue or something about myself na palagi kong napag-uusapan, dito naman, makikita nila ang mga things na hindi nila palaging nakikita. Kumbaga, kung ano lang talaga ang nangyayari sa loob ng utak ko, mga dreams ko, fantasies, and kung ano yung mga gusto kong mangyari in the future. So, nandito siyang lahat. Kumbaga, very candid ang pagsagot ko, akong-ako. Walang halong edit, walang editing," saad ng aktor. Kung anuman daw ang gustong malaman ng mga tao sa kanya, nasa bookazine daw ito. "Gaya nga ng sinabi ko, I never answered a yes or a no dito," banggit ni Dingdong. "Kumbaga, sa lahat ng sagot ko rito, mas intimate siya, mas detalyado. Siyempre, at the end of the day, kapag nagbigay naman ako ng sariling sagot, may sariling interpretasyon pa rin 'yan. Pero kung ano ang saloobin ko talaga at kung ano ang nais kong iparating, nandito lahat sa bookazine." Hindi naman itinanggi ni Dingdong that when it comes to his career, may mga frustrations din siya. Pero nandoon din daw yung mga nilu-look forward niya in the future and in the industry. At isa rin sa gusto niya is makagawa ng isang magandang pelikula. PLAYING A SUPERHERO. Sa "bookazine" ay may pictorial si Dingdong na nakasuot siya ng Superman costume. Sa mga taong kilala siya talaga, hindi na bago ang pagkahilig niya sa superheroes. Isa ba sa frustration niya sa career niya not being able to portray a superhero character? "You know what, dati inisip ko ganoon," sabi niya. "Pero habang tumagal, habang nag-mature ako, it's not really more of wanting to do the roles. Kumbaga, magampanan ko sila as me. Tama na sa akin na magsilbi silang inspirasyon, not to the point na kailangan ko silang gampanan dahil naniniwala naman ako na marami namang roles out there na hindi similar, hindi eksakto, pero may parehong inspiration, parehong intensity. So, 'etong mga characters na makikita nila sa bookazine ay talagang nagsilbing inspirasyon sa akin ever since." How does he feel na siya ang kauna-unahang artista na nagkaroon ng "bookazine"? "Siyempre, isa siyang privilege na maiparating yung mga things na... Siyempre, hindi naman natin masabi lahat. Normally, kapag nagkakaroon ng interview or chance na maiparating kung ano ang gusto nating maiparating. Pero through this bookazine, minsan may mga bagay rin tayong kailangang sabihin, may mga bagay tayong gustong sabihin para maliwanagan. And, most importantly, makilala ako ng mga gustong bumili nito," ani Dingdong. Marian Rivera. Isa sa nabasa namin sa bookazine ni Dingdong ay yung sinabi ng rumored girlfriend niya na si Marian Rivera, na noong akala nila na mag-e-end na ang loveteam nila, yun ang time na naramdaman ni Marian kung gaano kaimportante sa kanya ang aktor. Posibleng maging impression or conclusion ng makakabasa nito ay baka kung kailan patapos na ang serye nila ay saka naman nagsimula kung anumang meron sila ngayon. Ano ang masasabi ni Dingdong dito? "Well, siguro oo," sagot niya. "Like, sabi ko nga, kapag nabasa n'yo ang book, magkakaroon ng iba't ibang interpretasyon, e. Like ako, noong nalaman ko, noong ikinukuwento niya yun, first time ko lang din na narinig sa kanya yun. Kasi, magkasama kami sa interview, e. "So, noong ikinukuwento niya yun kay Andrew Paredes, yung nagsulat [ng bookazine], parang nagulat din ako. Na, 'Ah, yun pala, ha!' So, even in the process, marami ang realization. Hindi lang sa ibang tao kundi sa akin din. Marami akong na-discover na ngayon lang sa sarili ko. Siguro, dahil ngayon lang din ako natanong. At siguro, kung hindi rin ako natanong, hindi ko mahahanap sa sarili ko ang totoong sagot." Habang ginagawa ba nila ang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang nagkaroon ng ligawan at naging sila? "Siguro ayoko namang i-disregard lahat ng pinagsamahan namin sa mga shows," maingat na sabi ni Dingdong. "Kumbaga, masasabi ko na each show na pinagsamahan namin, may isang portion dun na malaki ang kinalaman kung ano ang meron kami ngayon. "Like Marimar, nandoon ang acquaintance, nagkakaasaran. Hindi namin trip ang isa't isa. Sa Dyesebel, mas tumindi ang challenge sa kanya bilang Dyesebel. Tapos ako, nandun ako to support her. So, mas nag-elevate ang level of closeness namin hanggang sa mapunta sa Tadyang... So, kumbaga, klaro ang development niya. "Hindi kasi ako naniniwala sa ligaw. Siguro, kanya-kanya naman 'yan. Para sa akin, kung manliligaw kasi ako, masyado siguro akong magpapa-impress and it doesn't work for me. Like para sa akin, noong kalagitnaan siguro ng Dyesebel, siguro masasabi ko, she has seen the worst in me and still, she accepted me, at ganoon din ako sa kanya. "Yun ang mahihirap na times, e. Yun ang under pressure, under stress. Doon lang talaga lumalabas ang pagkatao ng isang tao at mas naa-appreciate namin ang isa't isa noong panahong yun. So, pagdating ng Tadyang, we could say na kilalang-kilala na namin talaga ang isa't isa." Source: Philippine Entertainment Portal |