|
|
| Dingdong Dantes on Rhian Ramos: "Gusto ko siyang makilala kung sino siya ngayon... not because kung ano ang past niya."![]() Author: Rose Garcia Hindi maiiwasang mas nagkakakilanlan at nagiging kumportable sa isa't isa sina Dingdong Dantes at Rhian Ramos habang tumatagal ang kanilang pagsasama sa taping GMA-7 primetime series na Stairway to Heaven. Kumpara noong nagsisimula pa lang silang mag-taping na hindi pa sila masyadong palagay sa isa't isa, this time ay mas detalyado na rin ang mga komento ni Dingdong about his new leading lady. Dingdong was asked kung naseseksihan ba siya kay Rhian. "Like I always say, her asset is how she carries herself. Lalo na kapag naglalakad siya. And I believe naman na yung ganoong aspeto na nadadala niya ang sarili niya, kailangan, may kaakibat na kaseksihan 'yan. Otherwise, walang dating. But she carries herself very well and when she walks, para siyang nagga-glide," paglalarawan ni Dingdong kay Rhian. Nakausap ng PEP si Dingdong sa book signing ng kanyang bookazine na YES Life Stories: Dingdong kahapon, October 11, sa National Bookstore sa TriNoMa Mall. IF DINGDONG WERE SINGLE... Kung nagkataon ba na single siya, posible siyang ma-in love kay Rhian? "Mahirap akong ma-in-love, e. Kasi kapag na-in love ako, todo. So, ayoko munang pasukin yun," sagot ni Dingdong. Sa hiwalay na interview, sinabi ni Rhian na kung single daw siguro si Dingdong, posibleng ma-in love ang aktor sa kanya. Ano ang masasabi ni Dingdong dito? "Sinabi niya yun, ha? Baka kailangan niyang mag-isip ulit, kasi tarantado ako, e!" natatawang biro niya. "Pero alam n'yo, sa totoo, sa tagal naming nagkakasama sa taping, habang dumadagdag ang mga araw, mas nakikilala ko siya, mas naa-appreciate ko siya." Ano yung mga bagay tungkol sa kanyang bagong leading lady na naa-appreciate niya? "Naa-appreciate ko yung commitment niya sa ginagawa niya, kasi alam ko na nakikita ko na she really likes what she is doing and that she is cooperating. Ini-enjoy niya. Yun lang naman ang importante, yung ini-enjoy niya ang ginagawa niya." Nakikita ba niya yung dedication ni Rhian sa trabaho nila, lalo na sa character nito bilang Jodi/Jenna sa Stairway To Heaven? "Oo, pero hindi ko masasabi na from day one, ha," paglilinaw ni Dingdong. "Ang kagandahan ng ginagawa namin, as we go along sa taping, we discover our characters deeply. We discover ourselves. Kumbaga, yung proseso, mas gumaganda. Hindi yung sa umpisa pa lang, okey na kami. Hindi ganoon, e. Kumbaga, habang tumatagal, mas nagiging into character kami. Mas naiintindihan namin kung paano yung atake. I think that's what's special or how dynamic our tandem." NOTHING PERSONAL. May mga napag-uusapan na ba silang personal magmula noong una siyang nai-interview kung saan tahasan niyang sinabi na wala pa sila sa ganoong level? "Personal, hindi... but we talk personally na. We talk directly. Still, ayaw naming mag-meddle. Like, I do not know or I do not ask her if she's in a relationship or not, never naming na-tackle yun. Hindi ko tinatanong. We talk things about us. Yung ano ang hilig namin, ano ang gusto namin. Pero yung mga detalye ng kung ano ang past, present, walang ganoon." Bakit? "Kasi, gusto ko siyang makilala kung sino siya ngayon. Kung ano ang nakikita ko sa kanya as is, not because kung ano ang past niya. Walang ganoon." So, hindi pa sila ganun kakumportable dahil may mga limitasyon pa ang puwede nilang pag-usapan? "Kapag sinabi ko namang sobrang comfortable kami, e, para mong sinabi na nagsama na kami ng limang taon. Nagsasama pa lang kami ng isa, dalawang buwan," paliwanag ni Dingdong. Ganoon ba talaga siya katagal bago maging kumportable sa isang tao? Source: Philippine Entertainment Portal |