|
|
| Dingdong Dantes on Sunshine Dizon: "She will be stronger when you see her again."![]() Author: Mell T. Navarro Tumulak patungong Singapore last Friday si Dingdong Dantes, kasama si Marian Rivera, para sa worldwide audition ng nagbabalik na artista search na StarStruck V Worldwide Invasion. Apat na bansa ang iikutan ng guwapong aktor. Ang mga co-host ni Dingdong sa StarStruck ay sina Carla Abellana at Raymond Gutierrez, pero ang kasama niyang lumuwas ay si Marian dahil sa isa sa mga bansang pupuntahan nila ay ilulunsad ang CD ng Dyesebel, at sina Dong-Yan ang ni-request ng mga Pinoy fans doon. "First leg is Singapore. Pagkatapos nito ay hahanapin namin ang mga magagaling na Pilipino sa Middle East, USA, at 'saka Japan. "Basta, kinakailangan, pagdating nila dito ay magaling silang magsalita ng Pilipino. Hahanapin kung sino ang talagang may talento doon. "Ang importante, pagdating nila dito ay meron silang ibubuga," ang sabi ni Dong sa interview sa kanya sa Startalk. "Naghahanap kami ng susunod na magtatayo ng bandera [ng Pilipinas], so baka kayo yun," ang deretso niyang pag-address sa mga tagasubaybay ng talent show na napapanood sa iba't ibang bansa sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV. SEARCH FOR THE TOTAL ARTIST. After Singapore, nakatakdang mag-audition ang grupo sa Bahrain sa November 3 and 4, Abu Dhabi sa November 5, at Dubai, November 6. Sa Tokyo naman, November 7 and 8. Tutungo rin ang popular artista search sa States--Los Angeles on November 5 and 6; San Francisco, November 7 and 8, at New Jersey, November 10 and 11. Ano ang requirements na hinahanap this time ng StarStruck V? "Well, kailangan, complete package sila, e. Hindi lang sa pagkanta, hindi lang sa pagsasayaw... Definitely, andun yung pag-arte... "It's a total package, kasi we're looking for a star. And more than that, kinakailangan... Kahit nasa ibang bansa ka, yung pagka-Pilipino mo, dapat nandiyan palagi. Dapat, ipagmalaki!" Kasabay ng kauna-unahang international auditions nitong artista search, sa Pilipinas naman ay kasalukuyang humahataw ang auditions sa iba't ibang regions. Magkakaroon ng primer ang StarStruck V ngayong Linggo, November 8, sa iniwang time slot ng Power of 10 ni Janno Gibbs. SUNSHINE WILL COME OUT AGAIN. Noong nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa autograph signing niya for his Yes! Life Stories bookazine ng Summit Media kamakailan, nahingan siya ng komento tungkol sa nangyayari ngayon kay Sunshine Dizon. Halos magkasabay sila ni Sunshine sa kanilang career. Most notable sa movies nila noong late '90s ay ang Honey, My Love, So Sweet kunsaan nagbida ang tatlong love teams under Viva Films--sina Dingdong-Antoinette Taus, Sunshine-Polo Ravales, at Dino Guevarra-Kim delos Santos. Sa ngayon, alam ng lahat na dumaraan si Sunshine sa matinding depression o burnout sa pag-aartista, kaya nais na muna nitong magpahinga. Di na nito ipinagpatuloy ang pagiging lead actress sa Tinik Sa Dibdib, isang panghapong teleserye ng GMA-7. Bilang kapwa Kapuso at isa sa best friends ni Sunshine, anong masasabi ni Dingdong tungkol dito? "I think she's much better right now," pagbabalita ni Dingdong. "Basta, naniniwala ako sa kakayahan niya. Na itong mga bagay na ito, kumbaga, dadaan lang sa kanya and she will be stronger when you see her again. Stronger physically, mentally, emotionally, and spiritually." Nanghihinayang ba siya sa nangyayari sa career ni Sunshine? "Hindi. Kasi, alam ko kasi na kapag bumawi 'yan, talagang babawi nang todo 'yan," panatag na sinabi ni Dong. Source: Philippine Entertainment Portal |