Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong Dantes, pasok sa 'The Duke' ng AXN Asia!

Dingdong Dantes, pasok sa 'The Duke' ng AXN Asia!

Author: Abante

Nagbigay na ng permission ang AXN Asia na i-release ang kanilang pilot episode ng The Duke, na kung saan si Dingdong Dantes ang kanilang feature sa naturang episode. Bukod kay Dingdong, napili rin ang Vice President ng bansa na si Noli de Castro at Gawad Kalinga philanthropist na si Dylan Wilk na mai-feature from the Philippines sa mga susunod na episodes.

Ang iba ay mga famous celebrities naman daw sa ibang Asian country.
During the shoot, pumunta talaga sa bansa ang production ng Duke galing pa sa Singapore headed by its director Joey Chan and Production Manager Ci En Xu kasama ang ibang staff at host ng show na si Eunice Olsen.

Bukod sa E! Entertainment na unang international channel na nakapag-recognized kay Dingdong bilang top 3 sexiest men in the world, ang AXN channel naman ang nakapansin sa kanya through their newest program Duke, na kung saan ang mga ipini-feature raw nila ay mga importanteng tao and successful in their careers, role mo­dels and respected by his peers.

Ang pilot episode nga ay mapapanood sa February 9 at 8:00 p.m. AXN channel sa bansa, same time and date sa Singapore.

Sorpresa raw para kay Dingdong na siya ang mapili ng mga taga-AXN at na-overwhelmed nang dumating nga sa bansa ang host at production crew para lang interbyuhin siya sa mismong bahay niya.

Maganda rin daw ang naging working experience niya with Singapo­rean model and host na si Eunice.

“Okey siya, tala­gang professional na professional ang dating. Tala­gang nakikinig talaga siya at may research siya sa kung ano ako, anong history ko, 'yung mga ganoong bagay.”

Ano nga ba ang pa­kiramdam na hindi na lamang siya sa local channel napapanood kundi maging sa mga international channels tulad ng E! at AXN?

“Isang karangalan 'yun at siyempre, since isa ako sa mga napili, ayoko namang pahiyain ang bansa natin sa mga ganoong aspeto. Si­yempre, nagpapasalamat ako sa AXN sa ganitong klaseng rekognisyon.”

Source: Abante