Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong Dantes says it's impossible for his family to say anything against Marian Rivera

"Kasi mahirap sabihin yung ganoon hangga't hindi nanggagaling sa kanila. Maaaring may naoobserbahan ako. Maaaring may nakikita ako at nararamdaman. Pero, iba talaga kapag nanggaling sa kanila. Sila lang ang nakakaalam nun. Pero sa pagkakaaalam ko, e, maga

Author: Rose Garcia

The Dingdong Dantes Experience album is now officially out, which means matatawag nang isang multi-media actor si Dingdong Dantes. Bukod sa pagiging aktor, TV host, dancer, at director, ngayon ay pinasok na rin ni Dingdong ang music recording.

Kagabi, July 20, sa Circa resto-bar sa Eastwood Mall, Libis, Quezon City, ay ni-launch ng Universal Records ang album ni Dingdong na naglalaman ng apat na music videos featuring the actor himself. Ang mga kantang nakapaloob sa album, na inawit ng iba't ibang singers, ay "Tender Love," "I Know You Want Me," "Shining Star," at "Cu Cu."

Ano ang pakiramdam niya sa bagong milestone na ito sa kanyang career?

"It goes to show how much people trust me. So, itong trust na ito, e, hinding-hindi ko sisirain. Gusto kong ipakita sa kanila na kahit saang larangan man nila ako makita, ako, bilang nakilala nila ay gusto kong pasayahin sila at bigyan ng ligaya palagi," saad ni Dingdong sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.

Si Dingdong ang kauna-unahang Filipino celebrity na naglabas ng ganitong klaseng album. Ano ang masasabi niya rito?

"I feel very privileged because this is something that can add dun sa kaligayahan nila," sagot niya. "Ang talagang main objective ay yung enjoyment ng mga taong bumibili. Kasi ako, gusto kong i-share sa kanila kung gaano ako nag-enjoy. Gusto kong ipakita sa kanila na posible itong mga bagay na ito, e."

Hindi naman dahil sa gusto lang niyang mag-set ng bagong trend?

"Hindi, e, walang ganoon. And if ever man na magkaroon ng ganitong trend, it's better. Bonus siya dahil maganda na mas lumawak pa ang mga ganitong bagay."

Kanino niya ba idinide-dedicate ang The Dingdong Dantes Experience album niya?

"Sa totoo lang, naka-dedicate ito sa mga taong naniniwala sa akin at sa mga taong tumatangkilik sa akin. Kanino ko pa gustong i-share ang experience ko kung hindi sa mga taong gustong bumili? At kumbaga, kaya ko rin gustong gawin ito ay dahil gusto kong kahit paano, imbes na sa larangan ng pag-artista, maalala nila ako kapag narinig nila ang mga kantang ito. And these are the songs that they can enjoy."

Ayon kay Dingdong, kung kilala raw siya ng mga taong makakapanood ng apat na music videos niya, masasabi ng mga ito kung ano ang experiences na tinutukoy niya sa bawat video.

Pero marami pa ba siyang ibang experiences na puwedeng i-share?

"Sobrang dami!" bulalas niya. "Kaya nga sabi ko, hindi sapat ang apat na music videos. Pero in a way, we can show, kami ng Universal, a different side that I can offer them."

THE MEANING OF "MR." Hindi naman nakaligtas sa ilang entertainment press ang dalawang letra sa cell phone na tinatawagan niya--MR--sa "Tender Love" music video. Tinanong nga ito agad kay Dingdong during the open forum. Pero natatawang nagbiro ang aktor na hindi lang daw nabuo ang letter, pero "MRT" daw talaga yun. Tumatawag daw siya sa MRT dahil late na siya.

Hindi ba naisip ni Dingdong na posible talagang mabigyan ng kahulugan ang dalawang letters na yun at mai-connect agad sa rumored girlfriend niyang si Marian Rivera?

"Meron talaga," sabi ni Dingdong. "Lahat naman ng nangyayari diyan, may deeper meaning talaga. Pero kumbaga, lahat talaga ng nandoon, ipinagkatiwala ko talaga sa mga directors kung kaya't sila ang pinili ko. Kumbaga, kung anuman ang gusto nilang ipagawa sa akin, yun ang gagawin ko. And during that shoot, it was a call, of course, ang huling may sabi noon ay ang director."

Ano ang naging reaction niya nang malaman niyang "MR" ang ipapakita sa cell phone? O, siya mismo ang nag-suggest nito?

"Yun kasi ang concept ng music video. Sa dulo nun, hindi pala kami dapat magkikita ng babae. So, kailangan may representation kung sino talaga ang kausap ko sa kabilang linya," paliwanag niya.

Natawa rin si Dingdong nang tanungin ng PEP kung nalaman ba ni Marian na may initials na "MR" sa isa sa music video niya.

"Oo! Ipinaalam ko naman sa kanya."

Source: Philippine Entertainment Portal