Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong Dantes shrugs off presistent rumors about him and Marian Rivera

"Well, to begin with naman, wala naman akong gustong i-prove na anything. Wala akong gustong papaniwalain na tao. If they ask me, I'll just answer the question straight from my heart. So, we're not trying to prove anything here. I respect that they have s

Author: Rose Garcia


Umpisa pa lamang ng 2009 ay may maganda na agad na nangyari sa career ni Dingdong Dantes. Sinimulan ni Dingdong ang Year of the Ox sa pamamagitan ng paglu-launch sa kanya bilang pinakabagong celebrity endorser ng Goldilocks.

Kaninang tanghali, January 9, sa Santan Room ng Edsa Shangri-La Hotel ay pormal nang ipinakilala si Dingdong bilang pinakabagong endorser ng Goldilocks. Sa Linggo, January 11, sa SOP ay mapapanood naman ang TVC nito na may bagong tagline na "You're The 1, Goldilocks."

Ang marketing director ng Goldilocks na si Ms. Pinky Yee ang kasama ni Dingdong na humarap sa entertainment press kanina. Nagbigay rin siya ng paliwanag kung bakit sa dinami-rami ng young actors ngayon ay si Dingdong ang napili nilang maging bagong endorser.

Ayon kay Ms. Yee, si Dingdong kasi ang nag-top at may mataas na rating sa survey na ginawa nila sa iba't ibang demographics para siyang maging endorser ng kanilang bagong campaign.

"I am so happy to share with all of you that Dong's score is very, very high in all market segments--civic and socio-demographic segments. From the AB crowd, all the way to the CD, moms, young children, teenager, he rated very well. He is credible to the most of the age group and respondents that we have talked too," saad ni Ms. Yee.

Nilinaw rin ng marketing manager ng Goldilocks na hindi pinalitan ni Dingdong si Kris Aquino bilang endorser ng nangungunang bake shop sa Pilipinas. Nananatili pa rin daw nilang endorser ang TV host-actress, pero ibang line of products daw ang ine-endorse nito kumpara kay Dingdong. Pero hindi raw magkakaroon ng TVC ang dalawa na magkasama.

Siyempre pa, nagpasalamat si Dingdong sa mga narinig niya mula kay Ms. Yee. Ano ba ang masasabi niyang siya raw ang nanguna sa survey na ginawa ng Goldilocks?

"Hindi naman number one, hindi ko alam kung number one. Pero sinabi nila that I faired well sa survey. Sa akin, that means a lot. It shows that the people trust me. Ako naman, hindi ko naman sisirain ang tiwala nila sa akin," pahayag ni Dingdong.

PREDICTIONS. Magkaganunman, hindi maikakaila na parang silang dalawa ng ka-love team niyang si Marian Rivera ang target ng ilan na hilahin paibaba. Nandiyang maging ang mga hula ay tila hina-highlight at ginagawang isyu na kesyo this year daw ay posibleng hindi na ganoon kabongga ang magiging takbo ng career nila. Ano ang masasabi ni Dingdong dito?

"Ang hula ay hula," sabi ni Dingdong sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kahit ako, puwede akong manghula kahit ngayon. Pero siyempre, yung destinasyon, yung kapalaran mo, ikaw mismo ang gagawa nun. At siyempre, kasama ang Diyos diyan. So, para sa akin, I'll stick to that at yun ang nagpapalakas sa akin."

Hindi siya naniniwala sa hula?

"Hindi ko naman sinasabing hindi ako naniniwala sa hula, pero hindi ako nagpapahula. Marami sigurong nanghuhula para sa amin, pero iba yung kami ang nagpahula at sila ang humula para sa amin," aniya.

Personally, nararamdaman ba niyang parang may mga taong gustong ibaba sila ni Marian?

"Ako, hindi...may mga mga nagsasabi nga. Kahit sa kanya [Marian] rin, may mga nagsasabi sa aking ganoon. Pero hindi ko naman nakikita. Unless sabihin talaga sa akin."

May nagsabi na more than him, parang ang talagang target daw ng detractors na ibagsak ay si Marian. Ano ang masasabi ni Dingdong dito?

"Hindi naman, pero maaaring ito ay mga nanggaling sa mga events dati na nakakalkal. Pero you know, at the end of the day..." bitin niyang sagot.

Ayon kay Dingdong, kung tatanungin daw siya ng isa sa mga New Year resolutions niya, ito ay ang mas maging malapit pa sa Panginoon.

"Isa yun sa mga gusto kong mangyari. Kasi kapag kakampi mo Siya, kahit ano pa ang sabihin nila, totoo man o hindi, at the end of the day, you'll be happy with Him," aniya.

On his own, would he say that this New Year will be another good year for him?

"Well, the loyal ones are always there. Maaaring may iba na nag-iba ng paniniwala, pero hindi ko sila masisi. Kumbaga, yung talagang mga nagmamahal at nagtitiwala, nandiyan lang sila. I keep my communication lines open with them para, you know, updated naman sila sa mga nangyayari."

SPECIAL OCCASION WITHOUT MARIAN. Dahil nasa Boracay si Dingdong kasama ang kanyang mga kapatid at pinsan noong nakaraang holidays, ibig bang sabihin ay hindi sila nagkita ni Marian noong mga panahong yun?

"Noong buong time na nasa Boracay ako, hindi. Pero noong December 24, nagkasama kami sandali. Pero after that, nagpunta na rin siya ng Cavite," lahad ni Dingdong.

Okey lang ba na sa special occasion ay hindi sila magkasama ni Marian?

"Kasi when you say special days, masasabi kong kami, we have our special day dahil every time na magkasama kami, special, e. We are together in an endorsement, kumbaga, special yun. Pero itong season of Christmas, kailangang ibigay namin yun sa aming mga kanya-kanyang pamilya. Kumbaga, buong taon na nga magkasama kami, so yung mga ganoong special occasion, yun na yun," paliwanag ni Dingdong.

After the holiday break, nag-first taping day na sila ni Marian ng ikatlong telenovela nila together, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, noong Martes, January 6. Na-miss niya ba si Marian?

"Siyempre, iba yung feeling na hindi ko siya nakikita ng ganoon kahaba. Mga four or five days yata yun," sabi ng aktor. "Pero siyempre, alam ko naman na kailangan din namin ang mga panahong yun para sa aming mga pamilya, kanya-kanyang buhay. Pero kumbaga, instead of pagka-miss, mas yung looking forward, especially pagkatapos ng holiday season, magkakatrabaho pa rin kami."

Year 2009 na, pero how does he feel na marami pa rin ang hindi naniniwala na hindi sila ni Marian o mas gustong maniwala na sila na talaga?

"Well, to begin with naman, wala naman akong gustong i-prove na anything. Wala akong gustong papaniwalain na tao. If they ask me, I'll just answer the question straight from my heart. So, we're not trying to prove anything here. I respect that they have speculations. At kami, we will live a life according to how it is," saad ni Dingdong.

Nahihirapan ba siyang i-explain na wala naman talagang namamagitan sa kanila ni Marian?

"Hindi naman," sagot niya. "Kami, importante na alam namin kung okey kami or hindi. Kumbaga sa explanation sa ibang tao, okey lang yun."

"YOU'RE THE ONE." Sa estado niya ngayon at kung gagamitin ang tagline ng Goldilocks, meron na rin ba siyang puwedeng sabihan ng "You're the one"?

"Well, ayokong hanapin, e. Pero nararamdaman ko na nandiyan lang siya...sa planeta!" natatawa niyang sabi.

Nakita mo na ba siya?

"Oo, alam ko ang kanyang existence," sagot ni Dingdong.

Paano niya ide-describe yung posibleng "you're the one" na yun?

"A true person inside and out," tahasan niyang sabi.

But at the end, Dingdong says he enjoys being single and happy.

Source: Philippine Entertainment Portal