|
|
| Dingdong Dantes takes piano lesson for his role in 'Stairway to Heaven'Author: GMANews.TV Todo ang ginagawang paghahanda ni Dingdong Dantes sa next project nito bilang si "Cholo" sa gagawing remake ng Korean telenovela na Stairway to Heaven, kung saan makakatambal niya sa unang pagkakataon si Rhian Ramos. Sinabi ni entertainment reporter Audrey Carampel na bukod sa acting workshop, kumuha rin ng piano lesson ang aktor dahil kailangan ito sa kanyang karakter bilang si 'Cholo' na kiniligan noon ng mga manonood. "Napakagandang instrumento na tugtugin, very relaxing, very romantic," kuwento ng aktor sa Chika Minute portion ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules. "Sinubukan kong kunin yung feeling of playing it, kumbaga e kung saan ang tamag lugar, kung saan dapat umupo, yung basic...masaya siya pero hindi siya madali," pagtatapat ni Dingdong. This page requires a higher version browser Si Rhian naman, aminadong nakararamdam siya ng pressure hindi lang sa papel niya bilang si "Jodi" kundi dahil ito rin ang unang tambalan nila ni Dingdong. "Sana lang mabigyan namin ng buhay si Jodi at Cholo in our own way that...the Filipino way," pahayag ng magandang aktres. Matapos ang piano lesson na sinabayan ng pictorial sa beach, inasikaso naman ni Dingdong ang kanyang acting workshop na nataon sa araw ng birthday ng napapabalitang nobya niya na si Marian Rivera - ang bagong "Darna." Bagaman mayroon na umanong regalo ang binata, batid niya na wala ng pinakamagandang regalo na natanggap ngayon si Marian kundi ang mataas na rating na nakuha ng pilot episode ng "Darna" nitong Lunes. "I'm sure this is very memorable (kay Marian) dahil ang laking birthday gift nung 'Darna' sa kanya...in fact ako ay isa sa pinakamalakas na supporter n'ya of screen kaya I'm very proud," pagtatapos ni Dingdong. - Fidel Jimenez, GMANews.TV Source: GMANews |