Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong Dantes to do movie in US

Author: Fidel Jimenez
Column: Entertainment

Isang independent producer daw ang nag-alok kay Dingdong Dantes na gumawa ng pelikula sa US kung saan makakasama niya ang isang Hollywood star.

Sa Chika Minute portion ng "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing nakaplano na ang gagawing pelikula ni Dingdong na itinanghal na world's third sexiest man ng E! Entertainment channel noong nakaraang taon.

Napag-alaman na interesadong gumawa ng feature story tungkol sa international cable channel na AXN ang Kapuso star na si Dingdong para sa pilot episode ng programang "The Duke."

Ngunit ayaw munang ihayag ni Dingdong ang detalye ng gagawin niyang pelikula sa US hangga't hindi pa umano plantsado ang lahat.

Sa ngayon ay nakatutok daw ang guwapong aktor sa soap nila ng seksing Kapuso star na si Marian Rivera, ang "Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang."

Kinumpirma rin ng aktor na may humikayat sa kanyang tumakbo sa 2010 elections pero malabo raw sa kanya na pasukin ang mundo ng pulitika.

Source: GMANews