|
|
| Dingdong Dantes, tutok sa 'Heaven'![]() Author: Abante FINALLY, nakahanap na rin ng schedule para magkaroon ng book signing si Dingdong Dantes sa kanyang Yes Life Story na bookazine. Kaya sa mga gustong makita ang aktor ng personal, puwede siyang sadyain sa National Bookstore sa Robinson's Galleria from 3:00 - 6:00 p.m. sa October 3. On the other hand, bongga si Dingdong dahil pagkatapos ilabas ang bago niyang TVC with Marian Rivera, may dalawang big endorsement na naman ang aktor na lalabas ngayong October. Ang isa rito, ayon sa aming source, makakasama niya ang dalawa pang sikat na young actor sa henerasyon ngayon. Heard na muntik pa raw na hindi matuloy ang isang aktor sa naturang TVC, pero mabuti na lang at naayos at natuloy pa rin. Pero siyempre, tutok si Dingdong sa pagte-taping ng Stairway to Heaven nila ni Rhian Ramos. Naka-text namin ito minsan at masaya raw silang lahat sa Stairway dahil sa magagandang feedback na natatanggap nila kung paano nila ginawa ang Pinoy adaptation nito at sa mas papaganda pa raw na takbo ng kuwento. Source: Abante |