|
|
| Dingdong Dantes voted Favorite Actor of the Year in Nickelodeon Kids' Choice Awards![]() Author: Rose Garcia Very proud si Dingdong Dantes sa natanggap na karangalan from Nickelodeon Kids' Choice Awards noong Sabado ng gabi, November 29, sa Aliw Theater. Dingdong was voted and awarded Favorite Actor of the Year. Present si Dingdong that night at ang buong-akala niya ay para maging presentor lang. Although he knew that he was nominated in one of the categories, it still came as a surprise to him when his name was called as the winner by presenters Richard Gomez and Maxene Magalona. Before the speech of Dingdong, kitang-kita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang mainit na pag-congratulate sa kanya ni Goma, who played Dingdong's dad in Marimar. Bukod sa magandang production ng kabuuan ng awards night, very unique din ang paraan ng pag-a-announce ng winners ng Nickelodeon. Nakakatuwang makita ang nakapakaraming bata sa audience cheering for their chosen winners. After tanggapin ni Dingdong ang kanyang trophy, nakausap siya ng PEP sa backstage ng Aliw Theater. Ano ang pakiramdam na siya ang napiling Favorite Actor of the Year sa isang pambatang network? "Alam mo, ito ang first few awards ko magmula noong...after ng Marimar," sabi ni Dingdong. "Na-cite ako as an actor, pangalawa 'to. The first one was a Students' Choice. Tapos, ito naman, Kids' Choice. Ever since kasi, malapit ang kabataan sa akin. "I give much value to my youth, kasi yun ang early stages kung saan nahulma ako para mailagay ako sa kung saan ako ngayon. Kaya it's very memorable to me and significant that these kids nowadays, they look up to me, and they appreciate what I'm doing. Iniisip ko kung ako ang isa sa mga batang yun, gusto kong ibalik sa kanila at ibigay ang nothing but the best." Sinasabi niya bang malaking karangalan sa kanya ang manalo sa Nickelodeon dahil majority ng bumoto sa kanya ay mga bata talaga? "Oo! Kasi, ang bata, no bias 'yan. Kung ano ang gusto nila, gusto nila. Walang makakapagpabago nun. Kids are never corrupt, at magaling lang, ang laki ng pasasalamat ko na gusto pala nila ako," masaya niyang sabi. Hindi raw aware si Dingdong kung sinu-sino ang mga nakalaban niya sa kategoryang Favorite Actor of the Year. Pero sinabi namin sa kanya na ilan sa kanila ay sina John Lloyd Cruz, Piolo Pascual, Gerald Anderson, at Richard Gutierrez. Ano ang masasabi niya rito? "They really are very tough contenders and they have very respectable works. I'm sure the kids also love them that's why napunta kami rito sa roster of nominees. Siyempre, nagpapasalamat ako na ako ang lumabas," reaksiyon ni Dingdong. Magsisilbing inspirasyon daw kay Dingdong ang bagong recognition na ibinigay sa kanya. "Oo naman...always naman. Kasi sa lahat ng mga shows, kailangang present palagi yung mga values na iniiwan mo sa audience. Kumbaga, ang makakatanggap nito, pinakaimportante yung mga kabataan. Sila yung recipient ng mensahe. Kaya maganda na pinipili talaga ang mga roles na ginagawa." MORE RECOGNITION. Incidentally, bago lumipad si Dingdong patungong Los Angeles mamayang gabi, December 1, kasama ang kanyang daddy na si Mr. Sixto Dantes at ang manager na si Perry Lansigan, a-attend muna ang aktor sa ceremony ng Walk of Fame sa Eastwood City. Isa na namang rekognisyon ang ibibigay sa kanya, along with onscreen partner Marian Rivera. Ito ay ang pagkakaroon na rin ng mark sa Walk of Fame na inilunsad noon ni German Moreno sa mga artistang may magandang naiaambag sa industriya. "I wouldn't miss it for the world. Number one, e, kumbaga, hindi ko alam kung ano yung requirements or kailangan mong credentials to be part of the prestigious line of names. But aside from that, it's my thanks and respect for Kuya Germs who is spearheading this project," pagtatapos ni Dingdong. Source: Philippine Entertainment Portal |