|
|
| Dingdong, Marian not going on vacation togetherAuthor: Rowena Agilada CONTRARY sa naunang balitang magkasamang magbabakasyon sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ngayong Holy Week, mariing itinanggi ito ng dalaga in a talk with Tempo sa taping ng "Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang." Ayon kay Marian, nasa Cavite siya ngayong Holy Week kasama ang kanyang lola.
Ano ba ang gusto niya kay Dingdong? "'Yung pag nag-i-smile siya, ang cute niyang tingnan. Nakakagaan ng loob ang mga ngiti niya. Masaya ako kapag nakikita ko siya at malungkot ako kapag hindi ko siya nakikita." Kaya ba niyang gawin para kay Dingdong 'yung ginagawa ni Proserfina kay Homer sa 'ABHSAT'? "Parang wala naman akong kaagaw sa kanya para ipaglaban ko siya," confident na sabi ni Marian. Sa 'ABHSAT' kasi, kaagaw ni Proserfina si Helene (Angelu de Leon). In real life, out of Dingdong's life na si Karylle at solo na ni Marian ang aktor. Nag-aaway ba sila ni Dingdong? "Wala pa naman kaming pinag-aawayan. Asaran lang. Kulitan. Enjoy lang kami sa isa't isa. Walang dahilan para magselosan kami." May next project na si Marian after 'ABHSAT' at, aniya, excited siya dahil pam-bata naman 'yon. Hindi siya sure kung si Dingdong pa rin ang makakasama niya o baka ibang aktor na. "Basta sabi sa akin ni Popoy (Caritativo, her manager), maganda 'yung project na parang pinagsamang 'Marimar,' 'Dyesebel' at 'ABHSAT'. Paghandaan ko raw mabuti 'yon." Source: Tempo |