|
|
| Dingdong, Marian 'too hot' for TV ngayonAuthor: Tonee Coraza TOO hot for TV, wika nga, ang bagong teleserye ni-na Dingdong Dantes at Marian Rivera na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Katakut-takot na hali-kan at bed scenes ang gi-nawa nina Dong at Ma-rian dito. Pati si Angelu de Leon at ang dating ta-ga-That's Entertainment (isa sa Magnificent Seven dati ni Kuya Germs na kinabibilangan din ni Isko Moreno) turned-commercial model na si Boom Labrusca ay may mga nakalolokang sexy scenes din. We agree na hindi na nga pambata itong ba-gong teleserye nina Dong at Marian kaya dapat si-gurong ilagay na ito sa pinakagabing timeslot ng GMA Telebabad. After all, what can you expect sa TV remake na originally ay pinagbidahan ng sexy star na si Vivian Ve-lez na naghubo't hubad sa movie version? Pero, panalo talaga ang Tadyang kasi halos lahat ng mga bagets na lalaki na nakakausap na-min ay ito ang inaaba-ngan ngayon gabi-gabi sa TV. Pantasya talaga ng mga bagets ngayon si Marian! * * * BALITANG ire-remake naman ng Kapamil-ya network ang sexy movie na Temptation Island na isa sa unang movies (along with Katorse) ni Dina Bonne-vie noon. Si Nina Jose ang napipisil magbida rito kasama sina Roxanne Ginoo, Bangs Garcia at Ales-sandra de Rossi. Dahil tapos na ang Eva Fonda ni Cristine Reyes, kailangan ng Dos na gumawa ng pantapat sa Tadyang ni Marian. At ito na nga marahil 'yong Temptation Island. Ang tanong, mapapa-taob ba naman ng pinagsama-samang puwersa nina Nina, Roxanne, Bangs at Alex ang alindog ni Marian? It's too soon to tell. After all, hindi pa nagsi-simula ang taping ng Temptation. At baka ka-pag ready na itong ipalabas sa ere ay tapos na ang Tadyang. * * * MUKHANG nawiling mag-perform ang sikat na West End (London) Pinay star na si Joanna Am-pil dito sa sarili niyang bansa. Kasi pagkatapos ng matagumpay na stint niya bilang Maria sa Phi-lippine version ng West Side Story with Christian Bautista last year, nagbabalik siya ngayon para sa kanyang solo Valentine show titled Joanna Am-pil, I Love come Feb. 13 and 14 sa Music Museum. Special guest niya si Franco Laurel, na isa ring magaling na theater actor and singer. Si Carlo Orosa ang magdidirek ng show. Dahil Valentine show ay napag-usapan ang lovelife ni Joanna. May boyfriend siya ngayon na isang half-Thai, half-Belgium na theater actor din sa West End. Pero hindi ito kasing sikat niya dahil kasama lang ito sa chorus line-up. Pero mahal daw niya ito at may pagka-Pinoy rin ang itsura dahil half-Thai nga ito. Ang isang hindi ma-kalilimutang experience ni Joanna ay ang ma-in love siya sa kapareha niya sa Les Miserables na isang British. Ang guwapo raw nito at sobrang matino. Kaso hindi siya pinapan-sin nito dahil mga guwapong lalaki rin pala ang gusto nito. Kaloka!
HINDI magkakasama ngayong Valentine's Day sina Christian Bautista at Karylle dahil may kanya-kanyang shows ang mga ito sa Araw ng mga Puso. Nasa Jakarta, Indonesia si Christian para sa Valentine show niya samantalang sa EDSA Shangri-La naman ang show ni Karylle. Nabanggit din sa amin ni Jericho Rosales sa presscon ng Betty La Fea na malamang may show din daw siya sa darating na Valentine's Day. Source: Taliba |