Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong, No. 3 sa '25 Sexiest Men In The World'!

Dingdong, No. 3 sa '25 Sexiest Men In The World'!

Author: Abante

OPISYAL na nga na ini-announce sa Let's Celebrate Concert nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Shrine Auditorium na si Dingdong ay hindi lang pala bukod-tanging Pinoy na nakapasok sa listahan ng E! 25 sexiest men in the world, dahil si Dingdong pa ang nag-rank na #3 sa listahan ng 25 sexiest men in the world.

With David Beckham of U.K. as #1 at isang taga-Argentina naman sa number 2 position, followed by Dingdong sa #3.

Personal daw mismong ini-announce ng E! Supervisor Rights and Clearances na si Mr. Brian N. Potter ang pagiging number 3 ni Dingdong. Kasabay nito ang pagbibigay ng mensahe na nao-overwhelm sila na makita kung gaano kainit ang pagtanggap sa Shrine kay Dingdong at maging kay Marian. At rightfully deserving nga raw si Dingdong na maging #3 sa ranking.

Ipinalabas din daw ang naturang feature sa mismong concert ng dalawa sa Shrine. At ang naturang feature episode ng E! ay naipalabas na sa U.K. at
ayon din kay Brian Potter, ito raw ang nagtala ng pinaka-highest rating episode ng E!

Halos sampung taga-E! raw ang nanood ng Let's Celebrate concert na kung saan, personal na nga nilang nakilala at nakausap si Dingdong at nakapagpa-picture pa.

Sa lahat ng ito, hindi naman daw makapaniwala si Dingdong sa napakalaking importansiyang ibinibigay sa kanya ng E! network.

“'Yung mapasama ko sa list ng 25 sexiest men in the world, para sa akin, sobra-sobra na. So, kahit anong ranking wala na sa akin 'yun, kahit pang-25 pa, magiging napakasaya ko na.

“And to think, naging number 3 pa. So, sobrangoverwhelming talaga. At nakakataba ng puso na makita mo 'yung production ng E! network na nanood ng show namin ni Marian, kasama ang napakarami nating kababayang nanood ng show. Isang malaking pasasa­lamat ang gusto kong sabihin sa lahat,” sabi ni Dingdong.

Pagkatapos ng show nila sa L.A. nakasama ni Dingdong ang kanyang daddy at isang tiyuhin na lumipad naman patungong Las Vegas. Mula sa Las Vegas na ang magiging biyahe ni Dingdong pabalik ng Manila.

At pagdating naman ni Dingdong sa Manila, may balita kaming staff naman ng AXN channel ang nakatakdang mag-interview sa kanya at mag-feature rin.

Source: Abante