Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong, ala-Wolverine sa 'Andong Agimat'

Author: Nitz Miralles

May kasunod ng project sina Dingdong Dantes at Rhian Ramos after Stairway to Heaven, pero pelikula at hindi TV series. Sila ang mga bida sa movie na Andong Agimat to be directed by Mark Reyes at co-poduced ng Unitel, Viva Films at GMA Films at next year gagawin.

Kaya matapos man ang Stairway..., may aabangang project ang fans nina Dingdong at Rhian at after mag-drama, mag-a-action naman sila sa Andong Agimat. Tuluy-tuloy kung gan'un ang tambalan ng dalawa lalo't tumataas ang ratings ng Stairway...

Mamaya pala sa Stairway..., ikabibigla nina Maita (Jean Garcia) at Eunice (Glaiza de Castro) ang pagdadala ni Jovan (Jestoni Alarcon) kay Jenna (Rhian) sa bahay nila. Maalala na kaya ng dalaga ang tunay niyang pagkatao?

Samantala, ang next autograph signing ni Dingdong para sa Yes Bookazine ay sa Thursday, October 22, 3-6 p. m. , sa Filbars, lower groundfloor ng SM Megamall Bldg. A.

* * *

Si Mark Reyes ang director ng Special episode ng Dear Friend na magpa-pilot sa October 25. Matagal na nitong hiningi sa GMA-7 na pagdirehen siya ng Dear Friend o SRO Cinemaserye at kung kailan siya naghahanda sa Full House, saka siya nagdirek ng DF.

Ngarag man, masaya si Direk Mark dahil first time niyang makatrabaho sina Ynna Asistio at Jewel Mische na para raw gripo kung umiyak. Si JC de Vera ay nadirek na niya sa pelikulang Tiyanak ng Regal.

Kinuwento ng buo ni Direk Mark ang istorya ng Special na 'di namin isinulat para panoorin ninyo. Dumalaw kami sa last taping day at hindi namin nahintay kung magkakaroon ng kissing scene sina JC at Jewel o sina JC at Ynna.

Si Direk Mark din ang director ng Andong Agimat at nilinaw na malayung-malayo ang istorya nito sa Agimat series ni Ramon Revilla Sr. Mala-Wolverine dito sa Dingdong Dantes at sa napanood naming initial teaser ng movie sa laptop, mukha palang nina Dingdong, Rhian Ramos, Michael Roy at Janice Hung na wushu champion ang makikita.

Next year pa sisimulan ang movie dahil uunahin niya ang Full House nina Richard Gutierrez at Heart Evangelista.

* * *

Balato agad ang hiningi kay Sunshine Garcia nang dumating ito sa presscon ng Season 24 ng Daisy Siete na My Shuper Sweet Lover dahil nanalo siya ng P1million sa Power of 10. Kaso, hindi pa nito nakukuha ang pera na P800,000 na lang dahil may tax.

Ang kalahati sa pera ay ibibigay niya sa ama para puhunan sa negosyo at ang kalahati ay sa kanya na baka isosyo niya sa bar na ipinatayo ng BF.

Samantala, kontrabida uli si Sunshine sa bagong season ng Daisy Siete na gusto niya dahil mas masarap daw manakit kesa masaktan. Hindi rin siya nagsasawang sumuporta kina Jopay Paguia at Rochelle Pangilinan at 'di rin takot ang Sexbomb na wala si Rochelle sa season 24 dahil hindi ito first time nangyari at sinusubaybayan pa rin ang Daisy Siete. Mamaya na ang pilot ng My Shuper Sweet Lover after Eat...Bulaga.

* * *

Si Nonito Donaire, Jr. , ang na-eliminate sa Celebrity Duets 3 last Sunday, sayang dahil isa siya sa may boses at marunong kumanta sa contenders. Ilang Saturdays din nalagay sa bottom three si Nonito at last Saturday, tsugi na siya.

Ang ganda ng ginawa ni Nonito na niyakap ang natirang contenders at isa-isang kinamayan sina Raul Mitra at ang banda nito bilang pasasalamat. Nagpasalamat din ito sa audience lalo 'yung mga bumoto sa kanya at sa GMA-7 for making his dream of singing on TV, be a reality.

Sa November 14, ang grand finals ng Celebrity Duets 3 at abangan natin kung sino kina Gina Alajar, Niccolo Cosme, Akihiro Sato, Joel Cruz at Jomari Yllana ang papasok sa finals at ang magtsa-champion. Next Saturday, OPM ang theme ng Celebrity Duets 3.

* * *

May environmental touch ang pagpasok ni Babaing Tuod sa Darna dahil ipinapakita ang masamang dulot ng illegal logging. Galit si Tuod sa illegal loggers at si Narda naman, nagle-lecture sa mga bata sa ampunan sa importance ng mga puno.

Sa harap ni Eduardo (Mark Anthony Fernandez), puputulin ni Valentina (Iwa Moto) ang mga ahas sa kanyang ulo dahil ang mga ito ang rason kung bakit ayaw sa kanya ng binata.

Sumunod si Impi (Mura) kay Gabriel (Alfred Vargas) sa pagbisita sa puntod ni Roma (Nadine Samonte). Pag-alis ni Gabriel, lumapit si Impi sa puntod at pinababangon si Roma at nang walang bumangon, hinukay ang libingan at nakitang skeleton na lang ng kakambal.

* * *

Monday sa Rosalinda, aaminin na ni Paloma (Carla Abellana) na siya si Rosalinda at siya ang may karapatang magbigay ng dugo at mag-alaga sa anak na si Erika. Nagulat ang lahat sa nalaman, magwawala si Fedra (Katrina Halili) ngayon alam na ni Fernando Jose (Geoff Eigenmann) na iisang tao lang sina Rosalinda at Paloma.

Ligtas na si Erika sa dengue at magpapaliwanag si Fernando Jose kay Rosalinda na hindi niya ito niloko kahit kailan. Patatawarin naman ni Abril (Ryza Cenon) ang amang si Alfredo (Ariel Rivera), pero hindi si Beto (Mart Escudero).

Source: People's Tonight