Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong and Marian sizzle in 'Hinugot sa Aking Tadyang'

Author: GMANews.TV
Column: Entertainment

MANILA, Philippines - Para kay Marian Rivera, si Proserfina sa "Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang" ay isang challenge sa kanya bilang aktres.

"Misteryosa kasi yung character ko dito - minsan sumusulpot ako tapos nawawala ako. Parang hindi mo alam kung sino talaga siya, kung ano [ang] pagkatao niya. Nakakatuwa kasi siya - salita siya ng salita tapos hindi naman niya mine-mean [yung sinasabi niya]. Ganoon kadali mag-shift yung character ni Proserfina."

Sa mga recent episodes ng prime time drama, the unlikely relationship between Homer and Proserfina start to unravel, at nakikita na lalo pang lumalalim na misteryo sa kanilang mga katauhan. Marian admits na malaki ang factor na ang kanyang co-star and director ay nakatrabaho na niya ng matagal.

"Siguro nandoon kasi 'yung trust, kaya...nagawa din siya at lumabas siyang maganda, sobra," ang sabi ni Marian nang tanungin siya about working again with Dingdong Dantes and Bb. Joyce Bernal.

Sa first week pa lang ng "Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang," napanood ang pagiging bold at daring ng mga characters, particularly in the much-talked about pool scene with Dingdong and Marian.

"Yun 'yung pinaka-first time ko na gawin talaga na nag-two piece [swimsuit] ako na walang tapis talaga...Nag-diet talaga ako, talagang pinaghandaan ko 'yung two-piece ko," says the actress.

Nang tanungin si Dingdong kung siya din ay mas magiging daring dito, patawa niyang binanggit, "May konti, pero, siguro hindi pa kailangan at this point. Definitely meron yan, kasi may shift ang character ko sa gitna e. Magtu-two piece din ako [laughs]!"

But would this really be the last show for this hot pair?

Si Marian na ang sumagot: "Actually, hindi ko pa alam kung last na, kasi dati po sa MariMar, sabi nila last na daw yun. Tapos nag 'Dyesebel' kami, last na daw talaga. Tapos nagkaroon kami nitong 'Hinugot sa Tadyang' so mahirap talagang magsalita [ng tapos]."

One thing is for sure, kung ang mga libu-libong fans ang tatanungin, hiling nila na ang loveteam nina Dingdong at Marian ay tumagal pa ng todo. - iGMA.TV

Source: GMANews