|
|
| Dingdong at Boyet, tinalo ni Mon!![]() Author: Rey Pumaloy Gulat na gulat si Mon Confiado nang tanghalin siyang FAMAS Best Supporting Actor kamakailan. Tinalo niya sina Dingdong Dantes (Resiklo), Publio Briones (Confessional) at Christopher de Leon (Banal) sa naturang kategorya. “Ang sarap ng feeling na nanalo ng acting award. Inspirasyon ko ito para lalo kong pagbutihin ang pag-arte sa mga darating pang project. Ayaw kong mabigo ang mga nagtitiwala sa akin,” sabi ni Mon. Puwede na raw ihanay si Mon sa mahuhusay na aktor na tulad nina Joel Torre, Ricky Davao, Pen Medina, Ronnie Lazaro, Nonie Buencamino at Mark Gil. “Marami pa akong kakaining bigas bago maihanay sa kanila,” sagot ni Mon. Siyempre, pinasalamatan ni Mon ang director na tumulong sa kanya tulad nina Peque Gallaga, Joey Reyes, Joel Lamangan, Chito Roño, Toto Natividad, Mac Alejandre, Manny Castañeda at ang mentor niyang si Don Escudero. Kasama si Mon sa pelikulang Ang Tanging Ina Niyong Lahat na bida si Ai Ai delas Alas, pati na sa pelikulang T2 Tenement 2 ng Star Cinema, na bida si Maricel Soriano. Kasama rin siya sa mga indie films na tulad ng Himpapawid ni Raymond Red at Sisa ni CJ Andaluz. Mapapanood din siya sa Pieta ng ABS-CBN, at magsisimula na rin siya ng bago niyang project na Alyas Totoy Bato sa GMA-7. Busy rin si Mon sa pagtulong sa negosyo nilang 22nd St. comedy bar na may 3 branches, Marcos Highway, Las Piñas at Cebu. Source: Abante |