|
|
| Dingdong at Marian, nahuling nag-iinuman at naghahalikan!Author: Jerico Javier SA kabila ng patuloy na pagdedenay nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na may relasyon na sila, iba naman ang kanilang mga ikinikilos. Noong Lunes ng gabi, namataan ang dalawa ng isang reliable na impormante ng People's Tonight na sweet na sweet sa isang tagong "bulalohan" sa Tagaytay City. Ayon sa source, kahit sinong makakita sa dalawa ay hindi mag-iisip na wala silang relasyon. Ayon pa rito, may kasamang dalawang non-showbiz friends sina Dingdong at Marian habang umiinom ng brandy sa naturang bulalohan. For the record daw, hindi class ang naturang restaurant. Isa lamang daw itong simpleng kainan na may mga papag. Ayon pa sa source, ilang beses umano nilang nakita sina Marian at Dingdong na naghahalikan sa labi sa harap ng mga kasamahan. "Kung wala silang relasyon, bakit ganu'n ang mga kilos nila? Talo pa nga nila ang mag-asawa, eh," dagdag nito. Bago raw mag-alas-dose ng hatinggabi dumating sina Dingdong at Marian sa bulalohan at alas-tres ng madaling araw na umalis. Source: People's Tonight |