|
|
| Dingdong at Richard, tuloy ang kumpetisyon!Author: Abante Ngayong Linggo na sa SNBO sa GMA-7 ipapalabas ang Dantes Peak special ni Dingdong Dantes. Kasabay rin nito ang pagkaka-out ng kauna-unahang bookazine, ang YES! Life Stories. Isa sa pinag-uusapan sa bookazine ay ang Jesus Christ pictorial niya na hindi naman daw lahat ng tao, posibleng maintindihan ang concept na 'yon. “Hindi siya dream role. He's the Supreme character who inspires me. I understand, they might think otherwise. Pero sa akin, isa lang ang sasabihin ko, they have to read it kasi, ako naman, confident ako sa faith ko and nothing will change that.” May bali-balita na posible rin daw mag-come out ng bookazine si Richard Gutierrez sa ibang publication. Kung sakaling magkakaroon nga si Richard, hindi maiiwasan na mabuhay na naman ang kumpetisyon sa kanila. “Mabuti 'yun dahil I'm sure, other actors also have so much to say. And konti lang din ang opportunity nila na maipahayag kung sino sila. That's why nagkaroon ng ganitong medium para malaman at mabasa ng mga tao kung sino ba sila o kami. It's good na naumpisahan ang ganitong bagay.” “Naniniwala naman ako na kung paano kami nagkakilala noon, ganoon pa rin naman ngayon. Personally, I don't see anything wrong naman sa nangyari sa amin. Simula ng magkakilala kami when he was starting, I was there also. Sakto lang. Walang nagbago. Source: Abante |