|
|
| Dingdong at Sunshine, nag-usap nanAuthor: Nitz Miralles Big success ang autograph signing ni Dingdong Dantes ng kanyang Yes! Lifestories bookazine na ginawa sa Activity Center ng SM Megamall last Thursday. Mamaya ang last autograph session ng actor, 1 p. m. , sa National Bookstore ng SM Mall of Asia. Natuwa si Dingdong sa sinabi ni Kris Aquino na "heaven sent"siya sa kandidatura ni Sen. Noynoy Aquino at sa pagiging spokesperson ng Ayos Na! "Heaven sent" din daw sa kanya ang mapiling spokesperson at good opportunity na maka-influence sa magandang paraan. Sinagot din ni Dingdong ang isyung nagtatampo sa kanya ang fans nila ni Marian Rivera dahil sa naging pahayag niya sa tambalan nila ni Rhian Ramos sa Stairway to Heaven. Sabi nito, nirerespeto niya ang feelings ng fans, pero ginagawa lang niya nang tama ang trabaho niya at kung ano ang makakatulong para mas gumanda ang kanyang karakter. Samantala, nagkita na sina Dingdong at Sunshine Dizon at maganda ang kinalabasan ng kanilang pag-uusap. "She needs to relax and recharge at pagbalik niya, ibang Sunshine na ang makikita natin. Naniniwala ako sa kakayahan niya," patungkol ni Dingdong sa aktres. * * * Nabigyan ng R-13 classification ng MTRCB ang Patient X without cuts. Nagpapasalamat ang Viva Films, RGutz Productions at GMA Films sa classification dahil walang cut na ginawa sa pelikula. Hindi na umapela ang mga producer, kabilang si Richard Gutierrez, for a "GP" (general patronage) dahil ayaw nilang i-sakripisyo ang artistic integrity ng movie. Hindi pambata ang pelikula na showing sa October 28, pero confident ang producers na maa-appreciate ang Patient X ng viewers 13 years old and above. Sabi ni Joey Abacan, "Wala tayong magagawa, nakakatakot talaga ang movie. " * * * Sa November 4 na ang alis ni Raymond Gutierrez para sa audition ng StarStruck V sa Los Angeles (Nov. 5 & 6), New Jersey (Nov. 7 & 8) at New York (Nov. 9 & 10). Tatagal siya ng 10 days du'n at hindi na makakasama sa Gutierrez family na manonood ng laban ni Manny Pacquiao sa Nov. 14 dahil Nov. 15, ang launching ng SSV at sa Nov. 8 ang primer. Si Raymond ang Saturday host, performance night, at sina Dingdong at Carla Abellana ang Sunday hosts, tanggalan night. SS Avenger naman ang daily host. Sa nagtatanong kung bakit kailangan pa ng international auditions, sabi ni Raymond, "This is the biggest season at sa dami na ng talent searches dito, nagsasapawan na. We want fresh faces na 'di pa nag-o-audition sa ibang talent search. Looks and talents ang hinahanap namin. " Hindi lang TV host si Raymond, event coordinator din siya ng isang mag ng Summit Media at pareho ang office niya at ng PEP na kalaban ng kanilang pamilya. "I always work well with Summit. I told my mom and everyone knows I partially work with Summit. Iba naman ang entity ng PEP," paliwanag ni Raymond. * * * Mamaya na ang True Champions concert nina Rachelle Ann Go at Jed Madela sa SM North Edsa Skydome, invited ng dalaga ang ex niyang si Gab Valenciano, pero 'di sa nag-i-expect na manonood ito at baka busy sa panliligaw kay Carmen Soo. Thankful si Rachel sa suporta ng family at mga kaibigan sa nangyari sa relasyon nila ni Gab na dapat ay magwa-one year na sa November. Hindi rin siya umaasa ng reconciliation, steady lang siya at focused sa trabaho. Iniiwasang kantahin ni Rachelle ang Let the Pain Remain dahil nasasaktan siya at naaalala ang masasayang araw nila ni Gab. * * * Out na si Nonito Donaire Jr. sa Celebrity Duets 3 dahil kinapos sa text votes, sayang dahil isa siya sa nakakakanta at nakapasok sana sa top 4. Anyway, OPM ang theme mamaya ng CD3 at makaka-duet ni Gina Alajar si Ricky Davao, si Gino Padilla naman ang ka-duet ni Akihiro Sato at si Julie Ann San Jose ang kay Niccolo Cosme. Si John Lapus ang ka-duet ni Joel Cruz at si Rico Pino ang kay Jomari Yllana. Three weeks na lang ang natitira sa contest at malalaman na ang next CD champion na mag-uuwi ng P1 million. Source: People's Tonight |